Sunday, July 29, 2007

Paghihintay. Paghahanap. Pakshet.

Bakit kapag nakuha mo na ang isang bagay, ang dami mo pang hinihiling? You really can't please everyone noh? Parang i have everything that i'll ever need na... ano pa bang hinahanap ko?

Dapat hindi na ako naghahanap pa ng iba. Mali yon. Alam ko, at this point, mali siya.

May dumating sa buhay ko noon na hindi ko inakalang mangyayari. parang fairy tale lang. Edi ang saya saya diba. Parang smooth sailing ang lahat. Sa mahigit apat na pahina ng storya.

Parang korning love song lang ba. Pero may kilig. May kiliti.

Hanggang sa....

Unti-unti na atang may ibang nagsusulat sa pahina ng storyang binabasa ko pa lang. Para bang nagvavandal ng walang kalaban-laban.

Pakshet. Eh hindi ko namamalayang, napupuno na ng mga doodles yung librong yun. Hinayaan ko lang na madumihan. Pero nasiyahan naman ako kasi para bang naentertain ako ng lubos sa mga pa-kyut na drawings and sketches. Sa tuwing binabasa ko, nagiging masaya ako.

Eh ang kaso nga... mali... mali yon kasi hindi naman yon ang original na istorya. Pampagulo lang. Kaya dapat nang burahin ang mga doodles na nakasulat. Hindi naman kailangan kasi yon.

nasayo na nga ang lahat, humihiling ka pa.

Sabi ng prof ko sa Art Appreciation ata yon:

"DESIRE ends in POSSESSION."

Sosyal. OO nakuha ko na dati ang gustong-gusto ko. Pero ganun pala ata yun noh. When you desire something at alam mong hindi mo ito makukuha, para bang sorta highest form of loving that something na rin yon. kasi you're not asking anything in return. you are simply desiring that thing na halos para sayo ay wala nang makapapantay pa.

Pero, pag nakuha mo na, oh edi ang saya saya diba. Pero since that is no longer a DESIRE, wala na. parang nag-fade na yung great feeling of desiring something because you already POSSESSED that desire. Actually nagkaroon ka pa ng great sense of frustration kasi sa mga expectations na hindi naman pala nameet ng dati mong desire. lungkot.

Naalala ko tuloy tong kantang itey:

JUST MY IMAGINATION
Gwyneth Paltrow & Babyface

Each day through my window I watch him as he passes by
I say to myself I'm so lucky he's so fly
To have a boy like him
Is truly a dream come true
Out of all the girlies in the world He belongs to you


Yan ang paborito kong stanza sa kantang yan.

Anong koneksyon? Eh yun na nga. Why can't people just settle down. kailangan ba talagang laging maghanap at maghanap?

Bakit ako? May dumating na dilemma sa storya ko, edi yun nga, ang gulo-gulo tuloy.

Paano mo buburahin ang mga pangyayaring pilit na isinulat na ng tadhana sa iyo.

Tadhana nga ba ang dumidikta ng lahat ng mga yan. O excuse ko lang ba ito para wala akong sisihin?

Ewan. tanong mo sa buwan.

No comments: