Monday, July 30, 2007

Birthday Bash of Jaymarie.... Ratatouille later on..

Nagkaroon ng birthday bash ang isa sa pinakamalapit kong gay friends sa BackChickBoys, si JAYMAR CASTRO noong HULYO 28, 2007. also known as Jaymarie, Jaymariebelle, Jaymaru, Jaymaruja, Jaymaricon, Jaymarieton. nag saya niya talaga. Effort pa ang pagpunta ko doon dahil nakacommit na ako sa ibang bagay. Labag man sa kalooban ko'y hinindian ko si ate jaymar. Pero sa pagkakataon nga naman'y biglang nakapunta ako. ipinilit ko talaga sa schedule ko yon. Ganon ko siya kamahal.
First time niyang magpapunta ng friends sa kanyang pad (sosyal). pero i feel very privileged pagkat ako ang kaunaunahang nakapunta sa kanyang apartment noon pa. ang ganda ate. may roof top siya. isa siyang malaking building na may I-bank sa ibaba. Pinakataas ang humble abode ni ate. ang lamig nga doon eh. at maganda rin ang floor, marmol, parang pangmayaman. ok din ang CR, malaki, pwede kang magballroom sa loob. Nung naligo nga ko, nag ballet ako eh.
Overnight itey kaya naman ultimate bonding experience ang drama naming lahat. Inuman. Gilbey's Vodka at Red Horse.
1:00 am, LOVE TALKS
2:00 am, SEX TALKS
3:00 am, KISSING GAME
4:00am, DO YOUR OWN GAME
o diba may schedule pa. pero nakaabot lang ako sa love and sex talks dahil natulog nako ng mga 3:30 am. ewan kung natuloy pa ang kissing and do ur own games. haha.
hayon, napakwento isa-isa ng kanikanilang mga buhay pag-ibig at buhay keme. Bawal ang tumanggi pag ikaw ang nasa hot-seat.
shempre ba, nagtanong nanaman sila ng century-years-old na "John Moran Issue" all over again. pambihira. Since 1st year college, dito sa prestihiyosong Artistang Artlets, ay lagi na lamang kaming naiissue niyang mokong na yan. yun siguro ang dahilan kung bakit naging sobrang close kaming dalawa. kung anumang mga issues ang ibinibintang sa amin, ay sa amin na lamang yon... sa aming dalawa lang...naks very showbuzz.
Yah. and the sex talks too. Shempre nasabi ko ang mga pantasya ko sa buhay. Sex in the Library. In the jungle with the animals. In the terminal ng airport. Public CR. any Public place. nakalimutan ko pa atang banggitin na pantasya ko ang sex and violence ba. Yung tipong may bugbugan muna bago pleasure. yung tipong may mga leather, blindfolds and latigo effect pa. hahahahaha! sadista at masochista ako eh. Pero shempre, ang lahat ng yan ay pantasya lamang. someday, baka mailathala ko yang mga storyang yan.
pero as of now, hanggang pantasya na lang. pft.
Napag-usapan din ang long time boyfriend na si aj. napunta ang topic sa "Find or Wait for Love?" Sosyal.
Well, next time na ang kumplikadong lovestory ng buhay ko.
Chichirya galore kami that night. ambagan ng pera shempre. Buti nga at nagdala si Mimi Chu ng yellow cab pizza. siya lang naman ang pinakamayaman sa aming UBE. chinese eh. Si Mimi Chu pa!! BastooooOOOoooOOoossss.... (isipin niyo kung bakit).

*************
That day ay nanood din ako ng "RATATOUILLE" (pronounced as: rat-a-too-ee) sa Eastwood noong sunday with aj. Grabe itong movie nato. One of the best!!! walang humpay kang tatawa talaga. This is my next favorite movie sa Finding Nemo (na ilang beses ko nang napanood ay naiiyak parin ako). Pero para sa mga takot at nandidiri sa daga katulad ng kaibigan kong miyembro din ng BackChickBoys sa Artistang Artlets na si Edgar Joseph Mallari, baka hindi niya makayanan. although super kukyut ng mga daga doon sa movie, eh baka hindi na muna siya makakain ng mabuti ng ilang araw dahil may mga eksena doon kung saan eh daan daang daga ang nagmistulang mga chef at nagluluto sa isang high end restoran sa France. Kung ikaw ba naman eh, pag nalaman mong yung dish na pagkasarap sarap eh luto pala ng sandamakmak na daga, hindi ka ba naman masusuka ng buo-buo...
Pero it was really a great movie. Pang pamilya talaga. bibili nga ako ng dibidi sa quiapo niyan eh. at papanoorin ko ng paulit ulit. pipti peysos lang naman eh. yes to piracy talaga ako!
********************

1 comment:

kalansaycollector said...

ay naman ang saya talaga! more bday bash to cummm!

BASTOOOOOOSSS!