Ewan kung anong meron sa aming grupo pero bakit kaya up to now eh hindi kami gaanong umuusad patungong kaunlaran. ano nga bang meron sa amin? TAMAD ba kami? ENGOTS ba kami? Oh sadyang wala talaga ang puso namin sa aming mga ginagawa?
nabigyan kami ng isang ADVISER na kinaiinggitan ng karamihan... Si SIR KANE CHOA. magaling siya. mahusay na propesor. metikoloso sa mga bagay bagay. kaya naman laking frustration nang aming nalamang we have to change/ revise our thesis na tungkol sa POLITICAL ADS. i don't wanna go into details na kung tungkol saan ang aming thesis. basta.
Noong tuesday, July 31, wala kaming pasok so my group (Ako, Nicole Manlulo at EJ Mallari) ay nagdesisyong dito namin gagawin ang aming thesis.
Should we...or should we not change our thesis?... That is the question.
Pero ateng, isang buong araw na ata kaming nakatunganga sa kawalan (sa library) pero parang walang nangyayari... I feel stupid and worthless tuloy.
Buti na lang at mag-oovernyt kami that night kina Nicole. Only to find out na wala rin pala halos kaming nagawang productive. So much for the effort na mag overnight and all. At least masarap ang SINIGANG NA BABOY sa kanilang bahay. Hehe.
Oh Diyos ko, ano po bang gagawin namin? Hindi ako mapakali sa tuwing iniisip kong baka wala kaming magawang thesis.
Eh eto pa man din ang GATEWAY to our GRADUATION.
Bakit nga kaya? pwede bang wla na lang thesis? Maaari nga bang daanan mo yung apat o limang taon sa kolehiyo na hindi pagdadaanan ang thesis?
Ano bang meron sa thesis na yan? Lintek. edi sana lahat na lang ng LEKSYON ay ginawang PRACTICAL lahat. Pano ba naman kasi, sinasabi nilang "Yan ang application ng lahat ng mga natutunan mo."
Aba! PAKSHET! Magagamit ko ba ang "MARRIAGE and FAMILY" na subject namin ngayon jan sa sinasabing THESIS na yan? Marahil magagamit ko pa sya sa totoong buhay, 5-10 years from now. Pero hindi naman siya applicable sa Thesis namin.
Ang TV PRODUCTION ba (na paborito kong subject noong ako'y 3rd yr) ay magagamit namin per se dito sa thesis namin?
Ang basehan ba ay ang pagkuha mo ng UNO sa defense niyo on FEBRUARY/ MARCH next year, 2008? Eh kung naibagsak mo ang thesis pero OK ka naman sa ibang mga subjects, does it mean na hindi mo naiapply ang lahat ng mga napag-aralan mo? Like:
WORLD LITERATURE
SCRIPTWRITING
RADIO PRODUCTION
PHILIPPINE GOVERNMENT CONSTITUTION
SPEECH (something...)
PHOTOGRAPHY
INTEGRATED MARKETING COMMUNICATIONS
PUBLIC RELATIONS
ETHICS
LOGIC
PHILOSOPHY
ART APPRECIATION
.....marami pa... hindi ko na matandaan ang iba....
at shempre, SPANISH!! paborito kong subject dahil crush ko yung professor (Senyor Fernando Ramos... Haaaayyyyy...)
Ayun na nga. pambihira. kaya ko lang siguro sinasabi to dahil tae-tae ang aming thesis ngayon.
Well, wala akong magagawa. ako'y isnag hamak na estudyante lamang na sumusunod sa mga nakatataas.
Pag sinabing: "GET 1 WHOLE SHEET OF YELLOW PAD, MAY SURPRISE QUIZ!"
Ako naman itong si diligent student na puro reklamo pero manghihingi ng papel sa kabilang dulo ng classroom at walang magagwa kundi ang sumunod.
TSK. TSK.
BUHAY ESTUDYANTE. THESIS BLUES. SCHOOL BLUES. BLUES CLUES. EKLAVUS.
No comments:
Post a Comment