Friday, August 10, 2007

JEEPNEY LOVER???.....PINOY KA!!!!!



Kanina, dahil wala akong masakyang FX, eh napagdesisyonan kong sumakay na lamang ng JEEP... habang nakasakay sari-saring kaisipan ang pumasok sa aking isip (redundant...). natuwa lang ako na tanging ang mahal kong Pilipinas lamang ang nagpauso ng sasakyang ito.... VERY PINOY!!!!

Napagtanto ko kasi na kapag sumakay ka sa loob ng isang jeep eh madarama mo kung ano ang pakiramdam ng maging isang Pinoy... heto ang mga dahilan kung bakit ko ito naisip... BASAHIN MO KUNG FEELING MO EH PINOY KA... kung hindi naman.... basahin mo pa rin... aba nakaabot ka na ng ganito kalayo, hindi mo pa itutuloy... TSK!!

Kapag nakasakay ka ng jeep, may mga iba't ibang DIFFERENT KINDS OF MANONG DRIVERS ang makikilala mo... sila sina....

  • KASKAS MO BEYBEH - ang mga daredevils ng daan. kinikilala nila ang kanilang sarili bilang HARI NG DAAN... walang pakielam kung beating the red light na ba sila oh ano..sila yun mga putragis na manong na hindi pa ako nakakababa eh umaandar na, o hindi pa nakakaupo eh bumarurot na sa bilis. Ang payo ko lang sa mga pasahero, huwag sumakay sa dulo malapit sa pinto kung ayaw niyong tumilapon at maging chunkee cornbeef...kung nagkataon na yun na lamang ang tanging upuan, hold on tight ka na lang ate at kuya, pagkat byaheng langit ang aabutin mo.
  • LOLO, MATAGAL KA PA? - late ka na ba sa school? sa trabaho? at sa lahat ba naman ng oras eh nasakay ka pa sa jeep na oh "juicekopoplizlang" kay bagal naman!! heto ang mga drivers na UBOD NG KAY BAGAL sa pagmamaneho...tila ba may malupit na LSS (Last Song Syndrome) ni Frank Sinatra o Love Me Tender ni Elvis Presley sa kanyang utak kaya naman kung anong ikinabagal ng kanta sa utak niya eh gayon din ang bagal ng kanyang pagdrayb.. heto pa ang matindi, sa lahat ba naman ng oras eh NAGPAGASOLINA PA SI MANONG gayong 45 minutes late ka na sa klase, eh naging 50 minits na ito.... oh pleaze lolo, kamown mamown!!!!
  • HIHINTAYIN KITA HANGGANG SA DULO NG WALANG HANGGAN - im sure nakilala na nating lahat si manong na HAYOK SA PASAHERO. Kahit na alam niya, deep in his mind, heart and soul na mukha namang hindi sasakay si ate/kuya doon sa may kanto, eh pilit pa rin siyang titigil upang imbitahan silang sumakay. heto namang sina ate at kuya eh no reaction lang sa imbitasyon ni manong. pero si manong, hala sige!! mga sampung beses pa niyang iwawasiwas ang kanyang placard sa kanila gayong hindi nga sila sasakay!!!! nakapagtataka rin na hindi kaya ang mga manong na ito ay may THIRD EYE?? pagkat bigla mo na lang napapansing tumitigil siya sa mga lugar na wala namang katao-tao, ni walang pumapara.... pero hayon parin siya, mukhang naghihintay sa mga pasaherong wala naman talaga.. weird...at ang isa pa, heto rin ang mga manong na kahit alam nilang punung puno na nga ang jeep, hahakot parin ng pasahero yan. with matching lines na "oh! onting ipit lang ho...marami pa ho jan, sa kaliwa, sa kanan! pakiipit lang ho..maluwang pa yan!" TSK! ipit na ipit na ang betlogs ng katabi mong si kuya eh patuloy parin ang paghakot ni manong ng pasahero.. HAYOK!!!!
  • PUTANGINAMOGAGOTARANTADO!!!! - heto ang mga manong na forever mainit ang ulo. nakakatawa talaga everytym nakakasakay ako sa ganito. kita mo sa front mirror niya na naka-unibrow na siya dahil sa sobrang kunot ng noo niya. Kanino kaya siya galit? marahil sa asawa niyang bungangera...o sa karu na nagoberteyk sa kanya..kay Gloria marahil? o sa katabi niyang may putok? anu man ang kanayang dahilan, matalas ang dila niya sa pagmumura. Kawawang mga bata, kapag nasakay sila sa ganitong atmospera, marahil eh kay manong nila marinig ang first ever mura nila..isang ehemplo nito eh yung kaninang nasakyan ko.. alam niyo yung mga batang pulubi na bigla na lamng sumasakay kapag nakatigil ang jip tapos walang kalaban-labang pupunasan yung mga sapatos niyo.. hayon si manong, nag-flare up bigla, "POTTTANG INA MO KA, NANJAN KA NANAMAN AH!!!!" (kay tigas ng mura niya)... so bumaba si kid, hindi pa man bumibilis ang sasakyan namin ay biglang...... *****KAPINGTAKTOGGG!!!!!!!******* yon ang tunog ng malaking batong ibinato ni Kid Punas na marahil ay nabadtrip kay manong... salamat sa Diyos at walang natamaang pasahero... wala narin nagawa si manong kundi ang sumimangot at magmura sa isipan niya (oo, narinig ko...)
  • I WILL NOT BREAK THE LAW! - in fairness nman, may mga mababait din na manong na neutral lang sa lahat ng yan... bukod sa ma-PO at OPO sila sa kanilang mga mahal na pasahero, ay talaga namang sumusunod sila sa batas... katulad na lang ng pagbaba ng kanilang pasahero sa tamang babaan...at pagsakay din sa tamang sakayan.. kawawa nga lang minsan yung mga pasaherong napakalayo na sana ng binabaan nila eh, lalo pang inilayo ni manong dahil, "Sandali lang ho...bawal ho kasing magbaba jan... doon lang ho tayo..."

ilan lamang yan sa mga karakteristiks ng mga manong jipni draybers na ating nakikilala sa araw araw... ano man ang kanilang ugali ay talaga namang napamahal na sila sa atin...

heto naman ang mga PINOY KARAKTERISTIKS na naaoobserb ko kapag ako'y nasasakay sa jeep...na tanging Pilipins lang ata ang nakakagawa....

  • UNITY - saan ka makakakita ng mga strangers na nagkakaroon ng silent communication sa tuwing nag-aabot ng bayad kay manong. Dito ko rin napansin na dahil sa pagkakaisang ito ay nagkakaroon sila ng care sa kapwa nila dahil ayaw nilang mangawit ang kili-kili nito kaya naman kapag narinig mo ang mga salitang "Bayad Po..." ay haharap halos lahat sa iyo at sabay-sabay pa ngang kukunin ang bayad mo upang iabot ito kay manong.. gaano man kalayo ang pinanggalingan ay tiyak na makararating ito kay manong.
  • HUNGRY FOR POWER- gaya nga ng sinabi ko, kung may katiyakan kang makararating kay manong ang bayad mo, dapat eh maging alerto ka rin kung iniaabot nga ang iyong bayad o sukli... dahil para sa mga gutom na Pinoy (simbolo ng kahirapan), tiyak na "PATI SUKLE, MADADALE.." totoo yan.. nakarinig na ako ng mga kasong ganyan.. na si ale eh hinihingi ke manong ang sukli... si manong naman sabi, "Aba'y naiabot ko na sa iyo ah!"... at doon na magssimula ang argumento nila... Tsk! maging alerto sa mga gutom na Pinoy.
  • ADIK SA TEXT - heto ang mga nakakasalamuha mo sa jeep na walang takot sa mga magnanakaw... teks galore to death pa rin sila na tila wala nang bukas pang masisilayan. latest man ang celpon o 5110 lang eh, tiyak na makikita mo ang pagiging "TEXT CAPITAL OF THE PHILIPPINES" sa tuwing makikita mo ang mga ganitong tao...
  • ANTUKIN - wala ata akong jeep na nasakyan na wala nito. dito lang makikita kung either MASIPAG o TAMAD ang isang Pinoy. marahil kasi maiisip mo na kaya siguro siya nakakatulog ng walang kalaban-laban eh dahil pagod sa trabaho... kawawa naman xa.. pagbigyan na kung magkandauntug-untog na ang ulo niya sa balikat mo.. o marahil kaya siya natutulog eh dahil hobby niya lang ang matulog.. Juan Tamad ika nga.. ang mga antuking eto yung mga taong walang hiya (as in no shame) na natutulog kahit na muka na silang engot sa ichura nila. mukhang groggy... left and right, up and down ang ulo nila...hahawak sa railing (tama ba?), tapos mabibtawan rin naman mamaya... hahawak muli...bibitaw... left and right... up and down....
  • MANG DURUKOT, MANG DURUGAS - eto yung mga manong na kinatatakutan ng mga pasahero... ang mga magnanakaw sa jeep... oo, marami niyan sa Pinas... hindi lamang sa jeep.. pero dahil nga maxadong enclosed ang jeep eh madali lang ito gawin para sa kanila... may mga co-durugas at co-durukot sila na maaaring umupo sa harap, sa gitna o malapit sa may pinto para siguradong lagot na..TSK! Yan ang mukha ng mga Pinoy na hanggang ngayon ay walang pagbabagong nais na mangyari sa buhay nila kundi makaperwisyo lang ng iba...
  • HAPPY HOURS - ang mga Pinoy ay kilalang mga pinakamasayahing mga tao sa buong Asya...baka nga sa mundo pa... kaya naman hindi maiiwasang sa sobrang kakahappy hours eh may makakasabay ka na lang na amoy alak, pula ang mata at parang si Cookie Monster kung magsalita.. yan ang mga lasenggerong nakikilala natin lalo sa gabi....
  • MISS, PASILIP - maraming mga magagandang Pinay dito sa Pinas... pero may mga iba na sa sobrang trying hard na magpapretty eh nakapagsusuot ng mga mahahalay na damit.. nais siguro nilang gayahin ang ang mga nakikita nila sa magasin o sa telebisyon kaya naman nakaMICRO-MINI-SKIRT o PLUNGING NECKLINE GALORE sila kapag nagkokomyut... well, dahil jan, magtiis ka na lang sa mga manong at kuyang malagkit ang tingin sa iyo... malantod ka kasi... buti sana kung marami kang kasama... tsk!
  • SI KUYA AY... ATE PALA! - uso na kasi sa Pilipinas ngayon ang mga BISEKSWAL at mga BADING... kaya naman minsan may makakasabay kang akala mo'y dream papa mo na... ayun pala'y hanap rin ay papa... ayyy!!! sayang.. eto pa man din usually yung mga mukhang GYM-BUFF tapos bigla mo na lang maririnig sa kasama mong pure bakla na "naaamoy kong bading siya".... sayang...
  • MALAMBING - yan ang Pinoy... malambing sa kapwa..kaso talagang naiirita ako sa mga nasobrahan na ng lambing! mga magsyotang akala mo'y motel ang jeepney, naglalampungan na ang mga pepe!! Get a room, you two!! yan ang nais mong isigaw sa kanila.... kung makapulupot ay parang ahas...tsk! as if may aagaw sa boypren/gerlpren mong mukhang HIPON!!
  • MAHILIG KUMAIN - oo, very Pinoy yan..kaya naman hindi maiwasang magkaroon ng kasabay na sakop ang upuang kasya sana ay tatlo pa ngunit nakuha niya na lahat ng espasyo.. wala naman akong thing sa mga majujubis (cute nga nila eh... haroooOoOoOOO...) pero minsa'y hindi mo maiwasang mairita paminsan pagkat pag nagsiksikan na eh maririnig mo silang, "TSK!" ... aba ate!!! kaya naman kasi masikip dito eh dahil sa iyo!! wag mo akong i-TSK-TSK jan hano!!!
  • MISTER/ MISS CONGENIALITY - tanging dito lang talaga sa Pilipinas mo makikilala ang pinakfriendly na mga tao... kahit hindi kayo magkakilala, pag nagkataon.. say for example may banggaan kayong nadaanan.. hala! biglang magkkwentuhan na ang mga kuya at ate sa loob ng jeep na animo'y parang reunion lang nila!! "grabe yung nagbanggaan ano?" ...."oo nga, bagong bago pa mandin yung koche..".. "naku nung isang araw may ganyan din dito banda... patay yung drayber!"... "ganoon ho ba? ano ho bang pangalan niyo? may insurance na ba kayo??"..."tatlo ang anak ko, yung isa nakapagtapos na ng kolehiyo...".... "wanna meet sometime?"... SOSYAL.... mejo exaggerated ang iba.. pero may mga ganyan talaga... hindi mo man nalaman ang pangalan ng mga nakausap mo, at least for that moment eh para na kayong nakapagBONDING GALORE WITH A STRANGER.. yan ang Pinoy, friendly talaga...
oh ayan... onte lang yan sa mga sandamakmak na karakteristiks ng mga Pinoy na nakikilala ko sa jeep...

Masaya magjeep... kahit ba uso na ang FX ngayon, wala paring makapapantay sa pagsakay sa Jeepney.... With all that POLLUTION... VIOLENCE... FUN...RUSH HOURS.... SIKSIKAN...GITGITAN.... ang saya diba?


SURVIVAL THINGS TO DO PAG NAKASAKAY NA SA JEEP:

1. Kung paranoid ka sa mga magnanakaw, huwag na huwag matulog dahil kadalasa'y pinupunterya ang mga humuhilik sa jeep at paggising mo, may slash na ang bag mo..

2. Kung inaantok ka na talaga, THINK OF HAPPY THOUGHTS like having kinky sex with your crush... paniguradong gising ang ulirat mo nyan.. tataas pati ang libido mo.. edi gising na gising ka!

3. Kung gusto mong makaisa kay Manong Drayber, magbayad ka kapag mejo matagal ka nang nakasakay at isabay mo ito sa iba pang nagbabayad... para hindi na siya magtanong ng kung anuano like "saan? saan bababa? san galing? magkano ang binigay mo?".. sa ganitong paraan ay pwede mong bawasan ng piso o dalwang piso o limang piso ang bayad mo... he'll never notice.. wag ka narin magsalita, basta magbayad ka lang...hehehe...

4. Yakapin mo ang bag mo, at wag na wag ilagay sa likod mo, o sa gilid mo...

5. Pag biglang bumulwak ang pagkatindi-tinding POLUSYON sa katabing sasakyan, make sure na magtakip ng ilong kung ayaw mong mangulangot mamaya ng singlaki ng Butterball sa ilong mo... eeewww...

6. Kung may cute na lalaki/ babae kang nakasabay, it won't hurt na magpakyut ng kaunti... minsan mo lang siya makasabay, mahihiya ka pa ba? You'll never cross paths agen (something like that..)...

7. Wag maging madamot... kandungin ang bag... idikit ang mga legs at ipitin ang mga bayag upang magkasya tayong lahat...

8. kumapit ng mabuti... you'll nverknow kung kelan magbebreak si manong.... nakakahiyang tumilapon ka sa dulo ng jeep kung nasaan nandoon ang trash can na may nakasulat na "shoot that kalat!"

9. iabot o kunin mo ang bayad ng katabi mo... wag mo nang hintayin ang ten years bago mapansin ng ibang walang nais mag-abot kay manong . DO UNTO OTHERS WHAT YOU WANT THEM TO DO UNTO YOU...

10. Mahalin ang sariling atin.. Pinoy ka.. Pinoy ako... isipin mo lagi na tanging dito lang sa Pilipinas magkakaroon ng ganyang transportasyon... nakakainit man ng ulo minsan, nakakabagot man... don't worry, makararating ka rin sa iyong paroroonan...

TRULI PINOY!!!! ATING JEEPNEY... IPAGMALAKI!!!!!

3 comments:

kalansaycollector said...

ay kalokang post! isang naglalanding munch lang at ate ang mga words mo! bawal itong mabasa ni chairman laguardia! mukha mang wholesome puro bayag at pepe with libido pang kasama! kaloka!!!!! malandi!!!

infairla i love riding the jeepney!!! nako marami rin akong jeepney moments hano!!!

goddess said...

trivia: alam nyo ba na ang jeepney ay hango sa konsepto ng bahay kubo?

ung pasukan parang sa bahay.. may steps, may pinto.. ung upuan, harapan parang sa sala.. ung pag pasa-pasa ng bayad ay hawig sa tsimisan ng mga tao.. ung mga pangalan sa kisame ng jeep ay pangalan ng mga kapamilya.. yung mga manok, kabayo sa harap ng jeep ay tulad ng mga hayop sa likod bahay.. and so much more..!

mUnChKiNs said...

wow.. sosyal... isasama ko yan, kuya richard sa jeepney lover part 2 ko kung meron pa...hehehhe...well, ate jaymar, ganyan talga kapag high na high ka sa pagbblog at that moment... kahit pa macensor ka ni la guardia eh go lang ng go...