Monday, August 20, 2007

JINX SA KASAL

Noong AUGUST 18, SATURDAY ay CIVIL WEDDING ng aking ONLY BROTHER sa kanyang girlfriend for 6 years (the girl we all hate...i mean we're really not fond of her)....

sa simula pa lamang ng araw eh sunud-sunod na JINX na ang naganap. 11 am ang kasal. so naghahanda na ang lahat... maulan ulan pa dahil kay Bagyong Egay non kaya naman malamig lamig ang panahon.

para hindi maleyt sa may JADE VALLEY sa Timog, inachieve naming umalis ng before 10 am man lang. nagawa naman naming magbihis at magpaganda and all that jazz...

malakas na ang ulan bago pa man kami makalabas ng gate. inilabas na ni butihing Ama ang FX namin. at ang puting Lancer ay ready to go na rin. ang mga nakasakay sa Lancer ay sina:

Mami (ang mapanglait kong lola na ubod ng kulit)
Nickie (ang binata naming pinsan na Baby pa rin sa aming mga mata)
Marie (ang syota ng ate kong panganay)
Kuya (syempre ang groom...ang kuya kong kaisa-isa)

at ang mga supposedly namang nakasakay sa FX ay:

AKO (the most beautiful one)
Papa (ang father kong parang si Garfield...cute!)
Mama (the Dragon Lady)
Tita Glady (ang maldita kong tita na magaling magluto)

Dahil lumabas na ng garahe si Papa, ang driver ng FX, eh sumunod na lamang akong sumakay. Pinayungan ako ni Wilma, ang aming katulong na makiri, pagkat malakas na ang ulan. NGUNIT!!! ng ako'y sasakay na sa koche.... unti-unting umaandar si Papa...edi sunod naman kami ni Wilma.. Basa na ang sandals ko ampota! nakadress pa mandin akey!

Hayan... akala ko malapit nakong makasakay... parang SLOW MOTION ang lahat dahil ang hirap maglakad sa umaagos na tubig sa kalsada... aba naman si Pudang!!! slow motion din ang pag-andar, ayaw pang tumigil gayong alam kong kitang kita niyang papasakay na ako!

hanggang sa halos nandoon na kami sa dulo ng street eh slow motion paring umaandar si pudang... tinatawag ko na siya!

"PA!!! STOP!!! YOOOHOOOOO!!!!"

Para na kaming sira ni Wilma na sumusunod ke Papa.

Finally! nang tumigil na ang koche, dun ko binuksan ang pinto ng FX.....at tinanong ke Popsy wats wrong...

AYAW PALA UMANDAR NG FX!!! SIRA SIYA...AS IN BROKEN!!! kaya siya umaandar ng slow motion eh dahil baka pag pinaandar niya ng kaunti eh biglang magstart ang makina..

OH BUT NO! sumakay nako sa FX... we're still waiting for Mama and Tita na makasakay sana... pero kinontak na muna nila ang aming trusted MEKANIKO na si Tito Danny (na mataas din ang posiyon sa Barangay (kagawad keme...)

Pagdating nila Tito Danny, bitbit niya ang mga ALIPORES niya sakay ng YELLOW JEEP na may nakasulat na SB ng Bayan (or something like that...) basta yung Jeep ni Sonny Belmonte...

Tinry nilang kemehin ang baterya oh kung anu ano pang anik anik sa mga wiring...

mukhang wala nang pag-asa....

we decided na DOON NA LANG SUMAKAY SA YELLOW SB JEEP... with all our porma... NAKA-AMERICANA, NAKADRESS and all...

Magpapahatid lang kami sa may labasan kung saan maraming Taxi at dun na kami gogora...

NGUNIT!!!!!! hindi pa man kami nakakalayo..... ay BIGLANG TUMIGIL ANG SB JEEP NA AMING SINASAKYAN!!!

FOR THE 2ND TIME AROUND..... sa gitna ng daan, tinry itulak ni Manong Drayber ang SB JEEP habang kami'y nakasakay....

TULAK...

TULAK....

AYAW MAGSTART!

ANONG KAMALASAN ANG NANGYAYARI????!!!


IS THIS A SIGN????!!! Nang sabihin kong, "Hano ba itong Jinx na nangyayari???", bigla akong binengga ni Mudang... TSK! wag ko raw sabihin yon....

So naigilid na ang SB JEEP.... wala pa lang gasolina...

Malamang sa lugar na tinigilan namin ay wala tlagang gasolinahan or watsoever...

Ngunit malapit naman kami sa may mga tricycles... may nag-utos ata na magtawag ng Taxi sa may labasan... pero hndi kami sure kung meron ngang gumawa... we were hoping na makapag-abang kami doon mismo sa place na tinigilan namin...

Ngunit tila lahat ng Taxi na dumaraan eh may mga sakay na pasahero...

BUTI NA LAMANG!!!!! BLESSING IN DISGUISE (nga ba?) na doon din nakatira malapit ang KUMPARE AT KUMARE nila mudang at pudang na siya ring magiging ninong at ninang ng soon-to-be-married-couple!!!

COINCIDENCE na habang desperado kaming tumitingin sa paligid for a taxi eh nasilayan ni Mudang na dumaan ang VAN ng Kumpare at Kumare na aking sinasabi!!! (marahil ay papunta narin sila sa kasal nila kuya)

so tinawagan ni Mama sa Cellphone, "MARE!! BALIKAN MO KAMI RITO SA MAY HONEYMART!! NASIRAAN KAMI NG KOCHE! NAKASAKAY KAMI NGAYON SA SB JEEP!!!"

VOILA!!! we have our saviors!!!

Doon na kami sumakay sa Van nila Tito at Tita..... whew!!!

Lahat kami ayhindi makapaniwala sa mga kamalasang nangyari that morning.

ANO ANG IBIG SABIHIN NITO? ISA BA ITONG SENYALES? isang repleksyon sa hindi namin pagkagusto sa BRIDE-TO-BE ni Kuya Kong Mahal???

TSK! panay pa man din ang text sa akin ni Kuya kung ano nang ngyayari sa amin... kung gusto ba daw naming balikan niya kami.., shempre sabi namin wag na dahil we are saved na and all...

shempre kelangan maaga nga naman ang groom sa venue...

nakapagtataka lang talaga na sa lahat ba naman ng ora eh ngyon pa masisiraan ng dalwang beses ang mga kocheng nakakyan namin....

MOVING ON TO THE CIVIL WEDDING SCENE.....

nkarating na kami ng matiwasay...

Ayon kay Kuya Ko.... bawal daw maleyt dahil SUPER AGA DAW SI PASTOR/JUDGE NA MAGKAKASAL SA KANILA...well, wla namang naleyt sa side namin kahit pa ilang beses kaming nasiraan...

NGUNIT!!! si pasaway na Judge/Pastor... eh LATE!!!! MGA 20 MINUTES LATE ata!!! tsk!!! pati yung SIDE NI HAHPI (yun yung name ng asawa ni kuya) eh late din!!!

HANO BA YAN................... TSK!

MOVING ON.... since ako ang may-ari ng BIDYO CAM... eh marahil ako ang naging CAMERA WOMAN sa buong proseso ng kasal nila...

KAMUSTA NAMAN AT MAY KULANI NA ANG KILI-KILI ko sa pagkuha ng bidyo nila.... wala kasing tripod...mahirap gumamit non pag hinahabol ko lahat ng eksena ang all..... maliit lang kasi yung place.... exclusive ba....

heto pa.... si ATE KONG PANGANAY WALA SA EKSENA..... enemy number one kasi siya nung Bride.... I mean, hindi talaga masyadong boto si Ate Ko sa kanya.... that's too bad...

PERO! kaya naman wala siya sa eksena ay dahil galing daw siya sa work...

dumating na lamang siya sa eksena nung malapit ng kumain....

at bakas sa mukha niya ang pagkasuya sa pangyayari..... na ang kanyang kapatid ay ikinakasal sa hindi niya gusto..... TSK!

Haaayyy... kung alam niyo lang.... parang TELESERYE talaga ang mga pangyayari sa bahay... days and weeks before that wedding... may mga AWAYAN, VIOLENCE, SUMBATAN, TARAYAN, BACKSTABBAN, IYAKAN, WALK-OUT etcetera ang nangyari.......

well, baka pag kinwento ko pa yan eh NOBELA na talaga itong blog ko...

OK NAMAN ANG KASAL.... grabe magkwento si JUDGE/PASTOR..... GUTUMERA na ang lahat eh daldal parin siya ng daldal.....paulitulit niyang isinasalaysay lahat ng mga kakilala niya at mga experiences nito during their marriage years......

Lahat ng mga ikinasal niya eh naichika na ata niya sa aming lahat....

Syempre ba hindi ko makalimutan ang mga leksyon niya kina kuya at the rest of us....

lahat daw ng mag-asawa ay i-practice ang LRT....

WHAT IS LRT???

L - OVE

R - ESPECT

T- RUST


sosyal diba... simple yet meaningful.... naaahhhkkss!! eh basta ke haba parin ng sermon niya ang all....

pero nakakatawa talaga si ate kong panganay... bakas sa mukha niya at actions niya na hindi siya nasisiyahan sa mga pangyayari....

nung nagpipikchuran na nga malapit sa may cake eh sabi ni Mama, "Oh Marivi halika dito!"

sabe naman ni Ate, "ANO KA, MA???!!!! OK KA LANG????!!!!"

HAHAHHAHAHA!!!!!! CRUEL SISTER......

eh ang dami pang nakarinig....

TSK! eto ang masama dito eh.... pag hindi pa magkakilala ang both sides eh talaga namang puno ng tensyon ang atmospera......

Ni hindi nga namin chinichika ang side nila..... gayon din ang side nila sa amin.... pero syempre sina Mama at Papa eh mga friendly people kaya sila ang kumekeme sa kanilang lahat...

BUT I HAVE TO ADMIT....... hindi ganon ka-pretty si Hahpi that time..... hehehehehehe...... ang sama ko......... o baka dahil sa buntis siya or something?

HAAAAYYYY.... i just can't believe kinasal na si kuya ko........ gggrrrrrr......

Yung pauwi na kami i felt something rising sa throat ko.... parang naiiyak factor.... buti na lang at hinde...

siguro kahit na ganyan si kuya.... na most of the time eh masungit... pero most of the time rin eh mabait lalo sa akin, na BUNSO, eh shempre I ONLY WANT THE BEST FOR HIM.....

Anyways, ayos at nandon ang LONG TIME CRUSH namin nila Hazel (my other older-than-me-younger-than-ateTaba sister), at si Ate kong panganay.... haaayyyyyy ang gwapo talaga ng HAYSKUL FRIEND ng kuya ko...... si PJ....... Walang kupas ang kagwapuhan... buti at may picture kaming dalawa... mejo umeextra narin kasi ata siya sa showbiz eh.....kaya feeling ko i'm just a fan...

Hindi ganon kasarap ang pagkain sa Jade Valley.... TSK!

At hindi ganon kasweet ang buong kasal nila.... parang hindi kasi sila gaanong sweet sa isa't isa... o baka nahihiya lang sila?

Anyways.... magkaiba nga pala sila ng relihiyon.... Christian si Hahpi... at Katoliko naman si kuya... kaya medyo complicated pag kinasal na sila sa church or something... they have to get married two times for the sake of each religion....

OH WELL..... simula pa lang ito ng mala-TELESERYENG BUHAY nila... dahil dito na titira si Hahpi sa bahay... CONGRATULATIONS!!!! hahahahahahaha.....

Ang dami pa manding kontrabida dito........

it has been a joke here sa house na sasabihin namin sa isa't isa everytime we talk about the girl:

"Oy, itago mo muna yang pangil mo...."

"Yung sungay mo, lumalabas nanaman..."

"itago mo muna yang buntot mo sa likod..."

hahahha...


ganyan lang talaga ang buhay.....

OH WELL.....

more stories to come kapag nandito na siya nakatira...hhehehhehe....








8 comments:

Caloy and Isha said...

hayup! ibang klase! hindi naman talga normal ang kasal na nagyari noh! sinukob ata (joke lang siyempre). pero sa totoo lang, ang tagal ko nang gustong makita at makilala yung asawa ng kuyalets mo.. pakita mo nga one day..

Quintessential Maldita said...

kapag nakita ko yang babae ng kuya mo (babae talaga hano) ako na ang gaganti para sa inyo...hahaha!

to think na religious family p nman kayo...God's blessings ay expected sa araw na iyon dahi; ikakasal ang kua mo...pero wit neng...WIT! ibig sabihin talaga... malas ang kasal! malas!
hahahaha!

pero agen, kung puso at puso ang pag-uusapan, ano man ang sabihin ng iba, kung puso ang pakikinggan, puso pa rin ang masusunod...

mUnChKiNs said...

hahahahahahhaha!!hano ba iyan cyril!!! ke drama mo...puso kung puso talaga heno?? talaga nga namang basta't pag-ibig ang pinag-uusapan eh....

mUnChKiNs said...

oo cge fhadz, malapit niyo na siyang makilala kapag nag-overnyt kayo dito sa haus namen....

kalansaycollector said...

sukubin ang kasal! haha. cheka.

aj sotteau said...

wala bang squash soup sa kasal?? bakit ganoon ang name? ganoon ba talaga ang ispeling? HAHPI? kainez ah..

oi,munch may secret ako..pinsan ko iyang si hahpi bakit mo nilalait? tsk tsk..chos lang..miss na kita atehh..hulaan mo kung sino ako..ang ganda ko pa naman..

mUnChKiNs said...

gagu..malamang kilala kita ate argel noh... nabasa ko nga ang mga comments mo sa las estrellas ba yun.. nakakatawa ka kaya dun... i miss u like crazy...

oo talagang haHpi...with the "H".... hahhhhhpi..

kalansaycollector said...

vote for me guys as blogrant of the year sa Pinoy Evil Blog Awards ni Paolo Mendoza... dali! dali! hehe.

so go to this site:http://paolomendoza.com/

at magresgister! then voila! you can vote for me..

again..
BLOG RANT OF THE YEAR
SA PUSOD NG QUIAPO by Kalansay Collector!

haha campaigning na ito!