Hmmm.... dito ko lang kayang ipost ang blog na ito...
Yesterday, sa kasagsagan ng Bagyong Egay ata yun... napilitan akong pumuntang UST kahit na suspended naman ang klase...dahil kakausapin ko si Jacket Man... akalain mong taga fairview pa ako eh dinayo ko ang mahabang daan patungong Manila para lang makipag-usap sa kanya...
we can't talk on the phone dahil mahirap iexplain daw pag sa phone... at may kailangan daw siyang ipakita sa akin.... well, this better be good ah.... sayang ang isangdaan kong pamasahe ng balikan...
nagkita kami sa Pavillion tapat ni St. Raymund's... kasama niya yung kanilang mananahi nila ng mga jackets and all... narehearse ko na sa utak ko kung anong sasabihin ko eh.... the moment na tinext niya ko that morning, i sensed something was wrong... ang inakala kong SIYA ang aako ng problema ay mukhang malilipat sa akin....
i was right...
pagdating ko doon, agad nilang pinakita sa akin ang last sketch ko ng aming jacket... BALIKTAD ang logo na nakadrowing doon.... lapis ang ginamit ko doon...pero nang makita ko eh parang kinompyuterays na nila.... at ayon ke manang, ganon daw talaga ang pagkakadrowing ko....kaya nagtaka rin daw siya kung bakit naging baliktad eh ayon nga sa last sketch ko parang "letter T' ang nakaguhit doon.....
mamatay man ako ngayon, i swear hindi baliktad ang logo na idinrowing ko noon.... naknang... apat na taon ko na atang ginuguhit ang logo na yon, tapos ngyon.... ganon ang kinilabasan.... but THAT WAS THEIR PROOF....parang lumabas na kaya naman baliktad ang pagkaembroidered sa logo eh dahil ako naman pala ang may fault.... this has been too much for me..... ayokong makipag-away whatsoever dahil hindi naman ako ganon, lalo pa at sobrang MAAYOS SIYANG KAUSAP... it would be very unethical na magngangawa ako at kalmutin siya ng walang kalaban-laban...
to make the long story short,..... mukhang ako ang sasagot ng karagdagang kabayaran para sa maling logo na inilagay nila.... DALAWANG LIBO rin yon...saan ako tatae ng ganong halaga ng pera by Monday???
Oh well... may kapalit naman eh.... nope! hindi katawan ko ah.... kapag nakapagparefer daw ako sa kanila ng mga magpapagawa din ng jackets, may babalik daw na komisyon sa akin......
SO PLEASE HELP ME GUYS!!!!!!
so dahilan sa ayokong mangutang sa butihin naming ADO dahil ayokong lumabas na abusado, eh kukuha na lamng ako sa sarili kong bulsa ng dalwang libong yon... i only have 4 days to make ipon.... mangholdap ng bangko or anything......
at least we both learned our lessons.... it was all a matter of MISCOMMUNICATION...
ginawa ko naman ang lahat eh.....
marahil dapat ay magalit ako kay Jacket Man...
NO.... hindi sa ganon.... ang maganda naman nito... we were both lucky at kami ang nagkausap, not anyone else.... kasi at least madali kaming kausap... no benggahan whatsoever... LAHAT NADADAAN SA MAAYOS NA USAPAN....
I should be thankful ke Mrs. J dahil nirefer niya ko kay Jacket Man... eh secret lang naten to ah........
crush ko kasi si Jacket Man.... the moment i saw him, sabi ko ke Mrs. j, "ang kyut niya ah"...
pero purely business lang talaga ang mga texts at pagkikita namin sa pavillion... just jacket business...
kaya nga hayon, napatagal pa lalo ang jacket business namin dahil sa mga mistakes naming dalawa...
which eventually lead to FRIENDSHIP...well, i think for a short period of time eh may nabuo na kaming friendship somehow...
lalo pa kahapon, AUGUST 15, 2007....
matapos nga ng mga desisyon na napagkasunduan, pinauwi niya na si Manang Mananahi...
JACKET MAN: "May pupuntahan ka pa ba after nito?"
AKO: "wala na. bum lang. uwi na after."
JM: "punta muna tayo sa may fields."
AKO: "o cge..."
so naglakad kami HAND IN HAND. PASWAY-SWAY PA.... chos!!! no holding hands xempre.. nu ka ba....
infairla.... ANG BANGO NIYA!!!!! few inches lang ang layo namin sa isa't isa... haaaaaaaayyyy.... love his smell.....
Nakablack pants nga pala xa... at sky blue polo... nagapply daw xa for work... haayyy... ain't that cute??? ahihihi....
tapos yun nga.... i'm not asking any questions kung bakit ba kami pupuntang fields or what.... basta nagkkwetuhan lang kami habang naglalakad.....
JM: "Katoliko ka ba? Daan muna tayong chapel ah."
AKO: "oo naman. ikaw katoliko ka ba?"
JM: "oo."
AKO: "dati consistent akong nagpupunta jan eh. as in everyday of my life... pero ngayon hindi na..."
So we went inside.... we kneeled and prayed dun lang sa may likod... ipinagdasal ko kay God na pls sana makakuha ako ng limang libo for the jackets.... at nagpasalamat sa moment na yon... alam ni God na kinikilig ako that time.... ahihihi....
paglabas namin ay may kinausap kaming dating kaklase niya... hi hello.... hmmm... siguro inisip nung girl na there's something going on sameng dalawa...hehehehhe....
so nasa labas kami ng chapel...
JM: "alam mo.......... (struggling for words...) ikaw na ata ang pinakacool na taong nakausap ko..."
AKO: (blushes)....(giggle)..."ha?? bakit mo nman nasabe?"
JM: "eh kasi ok kang kausap. siguro kung iba yon...... basta... "
AKO: "(tawa)....bakit mo naman nasabi? dahil ba sa pagtetext ko? nakakatawa ba kong magtext?"
keme....
keme......
JM: "ganyan ka ba talaga? nag-alala kasi ako... na baka sabihin ng iba.. (umm...mejo di ko na maalala yung ibang conversation namin eh)....
AKO: "naku pinagtatanggol nga kita sa mga co-officers ko.. na wag kang benggahin... "
keme...
keme.....
JM: "....pasensya ka na.... kasi yung dad ko... alm mo na..."
AKO: "naintindihan ko... business is business...ok lang yon..."
JM: "...kaya nga ok dahil maayos kang kausap... ayoko naman kasing mahirapan ka rin.... kaya...... (something... something...)....."
JM: "basta astig ka...."
pakshit! ito ang mahirap kapag hindi mo na maalala yung ibang conversation eh.... hindi ko tuloy ma-grasp yung moment na yon... parang nandito lang siya sa puso't isipan ko that i can't put into words.. naaakkksss!!!
tapos naupo kami dun sa may mga pav na may bubong malapit sa fields..... magkatabi kami.... may mga kaunting tao pero tahimik ang buong UST dahil wala namang pasok....
JM: ".....ganyan ka ba sa aa??....."
AKO: "...hindi naman ako ganito lagi... silent but deadly lang kasi ako... kung may problema, kinikimkim ko nga lang o inaako ko lang.... pero kapag sobra na, shempre nagagalit din... may mga bata rin na takot sa akin dahil masungit ako..."
JM: ".....namumula ba ako?"
AKO: "..(tawa) oo noh! nung dati nga diba mineet ka namin sa pav ng mga frends ko.. tapos sabi ng kasama ko 'hala.nung pagdating natin sa pav ang puti-puti niya, nung umalis na tayo, sobrang ang pula-pula niya na'....."
JM: "....ganun lang talaga ako... namumula ako... ibig sabihin non, nag-iisip ako..."
keme....
keme.......
keme...........
JM: "...o sige uwi na tayo baka gabihin ka... kaya lang naman kita kinausap dahil gusto lang kitang makilala.......... basta astig ka talaga... wala akong ibang maisip na term..."
*kilig*
so naglakad kami sa tapat ng Main Building patungong Espanya.... still chatting...
JM: "may binigay si J sakin dati na tiket sa play niyo kaso hindi ako nakanood.."
AKO: "sayang naman!... nood ka ngayong september ha... aarte ako... madramang role...hehehe.."
JM: "bukod sa aa at sa school... ano pang mga pinagkakaabalahan mo?"
AKO: "...wala.... boring akong tao eh... hindi ako magimik.... di ko hilig yung mga bars and all.. tambay lang kung saan saan... sa mga bahay... basta puro aa lang talaga ako..."
JM: "ganyan ba talaga kayo ka-bonded? gaano kayo ka-close sa isa't isa?"
AKO: "as in walang hiyaan talaga.. kahit pa maghubad kami sa harap ng bawat isa ok lang... ganun...."
AKO: "ikaw? anong pinagkakaabalahan mo nung nanjan ka pa nag-aaral?"
JM: ".....mga orgs din....music... banda..."
AKO: (gulat) (tatawa).... "talaga???!!! ano ka sa banda??? gitarista? ano??... (tawa)..."
JM: "...kumakanta.....may mga gigs kami paminsan.... minsan invite ko kayo..."
AKO: "(tawa some more).... talaga?....amazing!!!!!!!.....wow...... (tawa).....
JM: "ayos sa reaction ah.... (ngiti)..."
AKO: "hinde..naamaze lang talaga ako.... di ko kasi akalaing isang INTELEHENTENG taong katulad mo eh sumasideline ng ganyan.... ang galing...."
AKO: "......first impression ko kasi yun sayo eh... nung pinakilala ka ni J saken, binulong niya sa akin na ishake hands daw kita for formalities sake... so sa isip ko, napakapormal mo naman at mukhang INTELEHENTE..... kaya yun... (tawa)..."
JM: "........over compliment naman yan... (tawa)... ganyan ba talaga kalalim ang pananalita mo? INTELEHENTE?.."
AKO: "...hehe...wala lang... gusto ko lang ginagamit ang mga terms na ganyan...."
JM: "CA ka ba?"
AKO: "oo."
JM: "...may pinsan din akong CA, 1st year.."
AKO: "sana nga hindi na lang ako nag-CA... pakiramdam ko kasi wala akong natututunan dun kundi dumaldal lang.... mas marami pa akong natututunan sa aa... sana ginawa na lang nilang major subject ang aa... malay ko ba na may advertising pala... sna nag cfad na lang ako..."
JM: ".....ako din nga eh....sana nag arki na lang ako....pero hinde eh..."
tapos pinag-usapan pa namin yung mga ginagawa niya sa engineering course niya non... at yung mga pwede niyang aplayan na job sa course niya.....
gusto ko pa sanang bagalan ang lakad ko para masmahaba pa ang oras na kasama ko siya.....
hanggang sa nakatawid na kami sa kabila.... lalakarin na lang niya yung pauwi sa kanila.... ako naman ay sumakay na....
pakiramdam ko eh lumulutang ako sa saya.... tinext ko agad si fhadz.... alam naman kasi niya yung hirap na dinaranas ko sa jackets na yan..... bilang TD at PD, siya ang lagi kong karamay sa mga ganitong trabaho.... so siya agad ang tinext ko sa kilig na nadarama ko at that moment....
IT WAS LIKE PUPPY LOVE ALL OVER AGAIN....
hindi ko malimot HOW ROMANTIC THE ATMOSPHERE WAS...nung kasama ko siya sa may fields.... gabi na... tahimik ang paligid.....and we were just talking.....
tapos we both went to the CHAPEL pa.....
Haaayyyyy... gaya nga ng sinasabi ko ke J at fhadz, mamulubi man ako sa hirap....at least mayaman naman ako sa pag-ibig (nyayks! korni!).... basta... nararamdaman ko kasing ok na kaibigan si Jacket Man eh.... so keri na yon para sa akin......
Gaya ng sinabi sa amin minsan ni Goddess, "everything happens for a reason..."
there must be a reason kung bakit nagkandaleche leche ang jackets na yan.... may kapalit naman siguro na maganda yan.... so i've found a new friend.... i've learned my lessons din... at gayon din daw siya.... at least for just a few minutes that night, nakasama ko siya.....
Haaaayyy.... that was one of the most romantic nights ever.....para sa akin, isa itong mini-date...hehehe..... hanggang dun na lang.... minsan lang to mangyari kaya pagbigyan na.... haaayyyyy....
*KILIG*
*KILIG*
*KILIG*
Thursday, August 16, 2007
A Romantic Night With The Jacket Man
Posted by mUnChKiNs at 7:12 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
haaaay!!!! hindi kita kinakaya! ibang klase ka ateng! hahaha! ganun pala ang mga naganap ah.. hahah.. dapat ka ngang kiligin.. kaso.. pulubi pa rin tayo.. naman eh!
kapal mo ate... anong pulubi TAYO?? AKO lang..... wala naman ginastos ang aa dito eh...haaaaaaaaayyyyyyy
hobby mong magnobela ngayon hano? ano iyan script?!
please ano ito pagmamahalang jacket ang foundation?!
TSE!
punyeta ka jaymarinella ha.... minsan lang ako mag inarte eh... lilipas din yan...matapos ang ilang buwan, bago na ulit ang crush ko...
wala akng masabi...
for the first time nainggit ako kay marchella calica...
hmpf! namimis ko na yung mga ganyang moments...lakad...usap...pasweetan...ung kahit wala nmang kaung relaxon...
hay...mis ko ng mainLOVE! punyeta!
gusto ko magkabf bago mag birthday ko! hahaha!
kurek ate kurek!!!! paminsan minsan eh masarap talagang pakiligin ang sarili... dont worry ate.. darating din yan.... tanga na lang ang hindi umibig sa isang babaeng katulad mo... (babae talaga...)
Post a Comment