BABALA!!!!
PARA SA MGA NAG-IINARTE AT MAHINA ANG PUSO SA MGA NAKAKADIRING BAGAY...HUWAG MONG BASAHIN ANG BLOG NA ITO...
Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay nakadama ako ng pagkalamig ng katawan... pagpapawis...pagkahilo...hindi maunawaang pagdaramdam sa aking loob... hindi ko mawari... ano bang nagyayari sa akin?? naranasan ko ito habang ako ay nasa loob ng Humanities Section ng UST Library...
tinext ko agad ang butihin kong kaibigan na si Fhadz... and ever loyal at maaasahan kong kaibigan...
"Samahan mo akong tumae!"
"Pls!"
"Mit kita last pav. now na."
"pakxet san kna?"
"gagu wer kna?"
"Ate lets go!"
"yoooohoooo"
"last pav, pekpek!"
Halata namang kalmado ako niyan diba? sa init ba naman ng panahon eh bawat segundong nagdaraan ay siya naman pagkulo ng nilintikan kong tiyan...
Ano bang kinain ko kaninang brekpas?? halos wala nga eh... katiting na Cornbeef... Katiting na kanin... at kape... ahhh! baka yung kape, hindi kaya? Pakshet kung gayon...
edi finally dumating na si Fhadz na always to the rescue sa aking mga pangangailangan.. such a good friend, that person..tsk..
Pumunta kaming TAN YAN KEE BUILDING dahil sa aking experience before, malinis, at wala gaanong tao sa mga CR nila lagi...
OH! But i was so wrong! sa hindi malamang dahilan ay marami palang tao...
FIRST STOP: Nagelebeytor kami patungong 4th floor, kung saan, based from experience eh isolated ang CR dun... Ngunit!!! laking dismaya ko nang masilayang may nagseseminar/meeting doon sa isang room kaya naman maraming tao sa floor na yun..pati narin sa CR... may apat na hinayupak na babaeng mga nakaputi ang nagsasalamin sa loob ng ako'y sumilip... sabi ko ke Fhadz, "Ang daming tao! wag tayo dito!"
2ND STOP: Edi gora kami ngayon sa 3rd floor. Nagstairs na lang kami.. Baka sakaling wala nang tao. Good thing halos wala ngang tao sa floor na yon, ngunit nang buksan ko ang pinto ng CR for girls.... nakalock ito... anong kamalasan ito???!!!! nahuhurumentado na ang aking tiyan... at nanlalagkit na ang aking katawan.. malamig na ang pawis na tumatagaktak sa aking noo...Oh hinde!!!!!
3RD STOP: okei...kalma lang, ate.... pinagtatawanan nako ng palihim ni Fhadz, i know.. pero being a good friend that he was... hindi niya yon pinakita sa akin masyado... Dibale na... may 2nd floor pa naman... edi gora kami doon.... ansaya at nakita pa namin si Jason doon sa SOCC Office nila, naghello hello pa kami sa may window niya... ngunit nang makarating nako sa Girls CR...... surprisingly, NAKALOCK DIN ANG HINAYUPAK!!! ano bang ipinahihiwatig sa akin ng tadhana at bakit parang ayaw akong pataihin ng putragis na mga kubeta dito sa building nato????!!!! Natatawa na tlaga si Fhadz sa akin... at ako rin eh dinadaan ko na talaga sa tawa.... ngunit ang tiyan ko'y tila hindi tumatawa, siya'y nagrerebolusyon na...
4TH STOP: we decided na baka wla na ang mga malalanding babae sa 4th floor this time ...kaya agad agad kaming gumora doon using agen the elebeytor.... But to my horror..... naroon paren ang mga putaenang mga makikiring babae... nagmemeykap, nagsusuklay, nakikipagchikahan, naglalandian.... not knowing na ang bagong pasok ng CR ay may lihim na tinatago... siya'y natatae na... ampotek!!!! so i pretended to suklay suklay.. nagpapaganda kunyari... hoping na baka any minute, any second ay lumayas na sila doon at payagan akong gawin ang business ko... ngunit mukha atang balak pa nilang maglatag ng kumot sa sahig at ilabas ang mga picnic baskets at magpalipad ng saranggola..... in other words, mukhang talagang matagal pa ang mga pekpek sa kanilang punyetang ginagawang pagpapaganda sa mga mukha nilang punyetera...lumabas akong muling dismayado...
Tanging nasambit ni Fhadz, "Sa TARC na lang tayo??? Sa tingin mo?"
eh ano pa nga ba.... yun naman ang favorite spot ko nung ako'y nasa 2nd at 3rd year ko noon... natigil lang nang minsang jumebs ako doon at bigla akong kinatok ng walang humpay ng dalawang babae, habang ako'y nasa proseso... na-phobia ata ako...
5TH STOP: Eh di nagspark nanaman ng new hope sa aking ulirat pagkat nadarama kong finally mailalabas ko na itong nagagalit ko nang dalahin sa aking kaloob-looban... ang saya... edi finally!!! nang pumunta na kami doon sa dulong CR ng TARC, wlang tao!! YEHEY!!! kaso walang tabo... edi sabi ko ke fhadz, "dali! kumuha ka ng tabo doon sa CR ng mga lalaki!!!" ...pagdating niya, wla daw... puke!! buti na lamang at meron akong wet ones na tissue..ok na siguro yon.... NANG BIGLANG..... may narinig akong mga boses ng babaeng dumarating!!! ANAKNANGTOKWA!!!! May mag-ccr pa ata gayong handa na sana ako!!! pucha... may dalawang babaeng biglang pumasok ng CR...yung isa madre pa.... buti na lamang at hindi pa ko nakkapagsimula ng ritwal ko....nagkunwari na lang akong nag-aayos ng buhok sa tapat ng salamin... pucha!!!iisa lang kasi ang cubicle na bukas doon... si Fhadz, nririnig kong tumatawa sa labas...sa sobrang dismaya ko eh lumabas ako at sabing, "pucha! wag nga tayo dito! hanap tayo ng iba!"............ tawa na kami ng tawa... tae talaga oh..
6TH STOP: Pumunta kami doon sa kabilang dulo ng groundfloor patungo sa isa pang CR... YEHEY!!! mukha nanamang isolated.... kaso nangamba pa ako kasi ke dumi-dumi ng CR na yon... para bagang hindi pinapasukan ng tao... yung floor marumi... mejo may pagkamapanghi...at natakot talaga ako na baka walang tubig!! kasi naman si fhadz sabi ba naman, "HAHAHAHAHHAHAHA!!!! WALANG TUBIG!!!!".... Luckily, when i opened the faucet, voila!!! may tubig!!!! ang lababo ng pala eh nightmare din sa dumi... may mga namumugad na maliliit na ipis sa ilalim ng mga sementong nagkalat dito...may butas pa ang ceiling, parang dudungaw bigla si Sadako na nakaputi...katakut!!! ang ichura ng CR nato, parang ilang beses nang ginwang spot for murder.... but that won't stop me from doing my job... so habang si Fhadz ay on the look-out sa labas, ako nama'y nilock ang pinto, piuno ang tabo... naghubad ng skirt... at.... TADAAAAHHHHH!!!!!
YEHEY!!!!!! SUCCESSFUL!!!!!! WLA NANG MAS SASARAP PA SA FEELING!!! WHOOOOO!!!!! PARANG ILANG LINGGO KONG KINIMKIM ANG NADARAMA, AT NGAYON LANG NAILABAS...
OH WHAT JOY IS THIS THAT I'M FEELING?? WHAT HAPPY THOUGHTS AND COLORFUL VISIONS THAT GREET ME UPON MY VICTORY??
HAAYYYYY....
At ngayon, i am simply reliving that moment... ang adventure ko kanina lamang sa Tan Yan Kee to TARC....
Pumunta akong 7-Eleven para bumili muli ng bagong stock ng TISSUE, ALCOHOL at WET ONES.... mahirap na... baka maulit muli....
Wednesday, September 5, 2007
SHIT REALLY HAPPENS....
Posted by mUnChKiNs at 2:13 PM 5 comments
Monday, September 3, 2007
Muni-muni...
ANG SAYA...
NAKA-PERFECT AKO SA FILM PRELIM EXAM NAMIN...
Proud ako dahil walang halong cheating yon ah... mahirap eh... literal na ako ang nakaupo sa pinakaharap...
Ang sarap pala ng feeling na alam mong pinaghirapan mo ang isang bagay tapos worth it ang lahat in the end...
NAKARMA ATA KAMI...
Sumabog ang Computer namin sa bahay.. wala pa mandin si kuya (na may-ari ng pc).. edi hindi tuloy namin malaman kung anong gagawin dahil nasa Singapore siya with his ASAWA... tsk... tsk... ASAWA........ tsk.... Hawak ng babaeng yon ang apelido namin kaya wag na wag siyang mag-attitude jan ah... tsk! see?? kaya kami nakakarma eh.. wla tuloy kaming magamit na PC sa bahay... eh ang mahal magnet sa labas... haaayyy...
MAY NAGPAPARAMDAM NANAMAN SA AKIN...
Ayoko na sana eh..pero biglang may sumusulpot ng wala man lang akong kalaban-laban... badtrip... kahit anong iwas, siya namang lapit nitong tadhana... ayoko na.. pakshit..
NABENGGA KAMI SA IMC REPORT NAMIN...
assumera kasi kami ng mga kagroup ko na hindi kami ang magrereport.. hala! nabengga tuloy kami..literal na hindi kami handa... natusta kami ng buhay sa tapat ng mga kaklase namin... kahiya-hiya talaga...oh well.. that's life.. may ups and downs...
INAAWAY AKO NG BOYLET KO AMPOTA...
kahit kaliit na bagay eh binebengga ako... eh shempre, umatikabo nanaman ang PRIDE ko at hindi ko naman nais na matapakan na lang ang pagkatao ko kaya war kung warla ito! Putragis ka ha!!! wala akong inuurungan na away!!! Bugbugan na lang ano ha!!!!
BUM AKO SA BLOGGING WORLD....
Dahil nga wala kaming PC sa bahay, at minsa'y hindi ko pa magawang magnet dito sa UST Library eh hindi ako nakakapagblog... ang dami ko na tuloy namimiss sa mga pangyayari.. maybe i should go back to writing on my journal? at least pag ganon, mas intimate...
.....nakakatamad lang talaga this past few days... i need a vacation from all these....
Posted by mUnChKiNs at 2:15 PM 1 comments
Monday, August 20, 2007
JINX SA KASAL
Noong AUGUST 18, SATURDAY ay CIVIL WEDDING ng aking ONLY BROTHER sa kanyang girlfriend for 6 years (the girl we all hate...i mean we're really not fond of her)....
sa simula pa lamang ng araw eh sunud-sunod na JINX na ang naganap. 11 am ang kasal. so naghahanda na ang lahat... maulan ulan pa dahil kay Bagyong Egay non kaya naman malamig lamig ang panahon.
para hindi maleyt sa may JADE VALLEY sa Timog, inachieve naming umalis ng before 10 am man lang. nagawa naman naming magbihis at magpaganda and all that jazz...
malakas na ang ulan bago pa man kami makalabas ng gate. inilabas na ni butihing Ama ang FX namin. at ang puting Lancer ay ready to go na rin. ang mga nakasakay sa Lancer ay sina:
Mami (ang mapanglait kong lola na ubod ng kulit)
Nickie (ang binata naming pinsan na Baby pa rin sa aming mga mata)
Marie (ang syota ng ate kong panganay)
Kuya (syempre ang groom...ang kuya kong kaisa-isa)
at ang mga supposedly namang nakasakay sa FX ay:
AKO (the most beautiful one)
Papa (ang father kong parang si Garfield...cute!)
Mama (the Dragon Lady)
Tita Glady (ang maldita kong tita na magaling magluto)
Dahil lumabas na ng garahe si Papa, ang driver ng FX, eh sumunod na lamang akong sumakay. Pinayungan ako ni Wilma, ang aming katulong na makiri, pagkat malakas na ang ulan. NGUNIT!!! ng ako'y sasakay na sa koche.... unti-unting umaandar si Papa...edi sunod naman kami ni Wilma.. Basa na ang sandals ko ampota! nakadress pa mandin akey!
Hayan... akala ko malapit nakong makasakay... parang SLOW MOTION ang lahat dahil ang hirap maglakad sa umaagos na tubig sa kalsada... aba naman si Pudang!!! slow motion din ang pag-andar, ayaw pang tumigil gayong alam kong kitang kita niyang papasakay na ako!
hanggang sa halos nandoon na kami sa dulo ng street eh slow motion paring umaandar si pudang... tinatawag ko na siya!
"PA!!! STOP!!! YOOOHOOOOO!!!!"
Para na kaming sira ni Wilma na sumusunod ke Papa.
Finally! nang tumigil na ang koche, dun ko binuksan ang pinto ng FX.....at tinanong ke Popsy wats wrong...
AYAW PALA UMANDAR NG FX!!! SIRA SIYA...AS IN BROKEN!!! kaya siya umaandar ng slow motion eh dahil baka pag pinaandar niya ng kaunti eh biglang magstart ang makina..
OH BUT NO! sumakay nako sa FX... we're still waiting for Mama and Tita na makasakay sana... pero kinontak na muna nila ang aming trusted MEKANIKO na si Tito Danny (na mataas din ang posiyon sa Barangay (kagawad keme...)
Pagdating nila Tito Danny, bitbit niya ang mga ALIPORES niya sakay ng YELLOW JEEP na may nakasulat na SB ng Bayan (or something like that...) basta yung Jeep ni Sonny Belmonte...
Tinry nilang kemehin ang baterya oh kung anu ano pang anik anik sa mga wiring...
mukhang wala nang pag-asa....
we decided na DOON NA LANG SUMAKAY SA YELLOW SB JEEP... with all our porma... NAKA-AMERICANA, NAKADRESS and all...
Magpapahatid lang kami sa may labasan kung saan maraming Taxi at dun na kami gogora...
NGUNIT!!!!!! hindi pa man kami nakakalayo..... ay BIGLANG TUMIGIL ANG SB JEEP NA AMING SINASAKYAN!!!
FOR THE 2ND TIME AROUND..... sa gitna ng daan, tinry itulak ni Manong Drayber ang SB JEEP habang kami'y nakasakay....
TULAK...
TULAK....
AYAW MAGSTART!
ANONG KAMALASAN ANG NANGYAYARI????!!!
IS THIS A SIGN????!!! Nang sabihin kong, "Hano ba itong Jinx na nangyayari???", bigla akong binengga ni Mudang... TSK! wag ko raw sabihin yon....
So naigilid na ang SB JEEP.... wala pa lang gasolina...
Malamang sa lugar na tinigilan namin ay wala tlagang gasolinahan or watsoever...
Ngunit malapit naman kami sa may mga tricycles... may nag-utos ata na magtawag ng Taxi sa may labasan... pero hndi kami sure kung meron ngang gumawa... we were hoping na makapag-abang kami doon mismo sa place na tinigilan namin...
Ngunit tila lahat ng Taxi na dumaraan eh may mga sakay na pasahero...
BUTI NA LAMANG!!!!! BLESSING IN DISGUISE (nga ba?) na doon din nakatira malapit ang KUMPARE AT KUMARE nila mudang at pudang na siya ring magiging ninong at ninang ng soon-to-be-married-couple!!!
COINCIDENCE na habang desperado kaming tumitingin sa paligid for a taxi eh nasilayan ni Mudang na dumaan ang VAN ng Kumpare at Kumare na aking sinasabi!!! (marahil ay papunta narin sila sa kasal nila kuya)
so tinawagan ni Mama sa Cellphone, "MARE!! BALIKAN MO KAMI RITO SA MAY HONEYMART!! NASIRAAN KAMI NG KOCHE! NAKASAKAY KAMI NGAYON SA SB JEEP!!!"
VOILA!!! we have our saviors!!!
Doon na kami sumakay sa Van nila Tito at Tita..... whew!!!
Lahat kami ayhindi makapaniwala sa mga kamalasang nangyari that morning.
ANO ANG IBIG SABIHIN NITO? ISA BA ITONG SENYALES? isang repleksyon sa hindi namin pagkagusto sa BRIDE-TO-BE ni Kuya Kong Mahal???
TSK! panay pa man din ang text sa akin ni Kuya kung ano nang ngyayari sa amin... kung gusto ba daw naming balikan niya kami.., shempre sabi namin wag na dahil we are saved na and all...
shempre kelangan maaga nga naman ang groom sa venue...
nakapagtataka lang talaga na sa lahat ba naman ng ora eh ngyon pa masisiraan ng dalwang beses ang mga kocheng nakakyan namin....
MOVING ON TO THE CIVIL WEDDING SCENE.....
nkarating na kami ng matiwasay...
Ayon kay Kuya Ko.... bawal daw maleyt dahil SUPER AGA DAW SI PASTOR/JUDGE NA MAGKAKASAL SA KANILA...well, wla namang naleyt sa side namin kahit pa ilang beses kaming nasiraan...
NGUNIT!!! si pasaway na Judge/Pastor... eh LATE!!!! MGA 20 MINUTES LATE ata!!! tsk!!! pati yung SIDE NI HAHPI (yun yung name ng asawa ni kuya) eh late din!!!
HANO BA YAN................... TSK!
MOVING ON.... since ako ang may-ari ng BIDYO CAM... eh marahil ako ang naging CAMERA WOMAN sa buong proseso ng kasal nila...
KAMUSTA NAMAN AT MAY KULANI NA ANG KILI-KILI ko sa pagkuha ng bidyo nila.... wala kasing tripod...mahirap gumamit non pag hinahabol ko lahat ng eksena ang all..... maliit lang kasi yung place.... exclusive ba....
heto pa.... si ATE KONG PANGANAY WALA SA EKSENA..... enemy number one kasi siya nung Bride.... I mean, hindi talaga masyadong boto si Ate Ko sa kanya.... that's too bad...
PERO! kaya naman wala siya sa eksena ay dahil galing daw siya sa work...
dumating na lamang siya sa eksena nung malapit ng kumain....
at bakas sa mukha niya ang pagkasuya sa pangyayari..... na ang kanyang kapatid ay ikinakasal sa hindi niya gusto..... TSK!
Haaayyy... kung alam niyo lang.... parang TELESERYE talaga ang mga pangyayari sa bahay... days and weeks before that wedding... may mga AWAYAN, VIOLENCE, SUMBATAN, TARAYAN, BACKSTABBAN, IYAKAN, WALK-OUT etcetera ang nangyari.......
well, baka pag kinwento ko pa yan eh NOBELA na talaga itong blog ko...
OK NAMAN ANG KASAL.... grabe magkwento si JUDGE/PASTOR..... GUTUMERA na ang lahat eh daldal parin siya ng daldal.....paulitulit niyang isinasalaysay lahat ng mga kakilala niya at mga experiences nito during their marriage years......
Lahat ng mga ikinasal niya eh naichika na ata niya sa aming lahat....
Syempre ba hindi ko makalimutan ang mga leksyon niya kina kuya at the rest of us....
lahat daw ng mag-asawa ay i-practice ang LRT....
WHAT IS LRT???
L - OVE
R - ESPECT
T- RUST
sosyal diba... simple yet meaningful.... naaahhhkkss!! eh basta ke haba parin ng sermon niya ang all....
pero nakakatawa talaga si ate kong panganay... bakas sa mukha niya at actions niya na hindi siya nasisiyahan sa mga pangyayari....
nung nagpipikchuran na nga malapit sa may cake eh sabi ni Mama, "Oh Marivi halika dito!"
sabe naman ni Ate, "ANO KA, MA???!!!! OK KA LANG????!!!!"
HAHAHHAHAHA!!!!!! CRUEL SISTER......
eh ang dami pang nakarinig....
TSK! eto ang masama dito eh.... pag hindi pa magkakilala ang both sides eh talaga namang puno ng tensyon ang atmospera......
Ni hindi nga namin chinichika ang side nila..... gayon din ang side nila sa amin.... pero syempre sina Mama at Papa eh mga friendly people kaya sila ang kumekeme sa kanilang lahat...
BUT I HAVE TO ADMIT....... hindi ganon ka-pretty si Hahpi that time..... hehehehehehe...... ang sama ko......... o baka dahil sa buntis siya or something?
HAAAAYYYY.... i just can't believe kinasal na si kuya ko........ gggrrrrrr......
Yung pauwi na kami i felt something rising sa throat ko.... parang naiiyak factor.... buti na lang at hinde...
siguro kahit na ganyan si kuya.... na most of the time eh masungit... pero most of the time rin eh mabait lalo sa akin, na BUNSO, eh shempre I ONLY WANT THE BEST FOR HIM.....
Anyways, ayos at nandon ang LONG TIME CRUSH namin nila Hazel (my other older-than-me-younger-than-ateTaba sister), at si Ate kong panganay.... haaayyyyyy ang gwapo talaga ng HAYSKUL FRIEND ng kuya ko...... si PJ....... Walang kupas ang kagwapuhan... buti at may picture kaming dalawa... mejo umeextra narin kasi ata siya sa showbiz eh.....kaya feeling ko i'm just a fan...
Hindi ganon kasarap ang pagkain sa Jade Valley.... TSK!
At hindi ganon kasweet ang buong kasal nila.... parang hindi kasi sila gaanong sweet sa isa't isa... o baka nahihiya lang sila?
Anyways.... magkaiba nga pala sila ng relihiyon.... Christian si Hahpi... at Katoliko naman si kuya... kaya medyo complicated pag kinasal na sila sa church or something... they have to get married two times for the sake of each religion....
OH WELL..... simula pa lang ito ng mala-TELESERYENG BUHAY nila... dahil dito na titira si Hahpi sa bahay... CONGRATULATIONS!!!! hahahahahahaha.....
Ang dami pa manding kontrabida dito........
it has been a joke here sa house na sasabihin namin sa isa't isa everytime we talk about the girl:
"Oy, itago mo muna yang pangil mo...."
"Yung sungay mo, lumalabas nanaman..."
"itago mo muna yang buntot mo sa likod..."
hahahha...
ganyan lang talaga ang buhay.....
OH WELL.....
more stories to come kapag nandito na siya nakatira...hhehehhehe....
Posted by mUnChKiNs at 7:53 PM 8 comments
Thursday, August 16, 2007
A Romantic Night With The Jacket Man
Hmmm.... dito ko lang kayang ipost ang blog na ito...
Yesterday, sa kasagsagan ng Bagyong Egay ata yun... napilitan akong pumuntang UST kahit na suspended naman ang klase...dahil kakausapin ko si Jacket Man... akalain mong taga fairview pa ako eh dinayo ko ang mahabang daan patungong Manila para lang makipag-usap sa kanya...
we can't talk on the phone dahil mahirap iexplain daw pag sa phone... at may kailangan daw siyang ipakita sa akin.... well, this better be good ah.... sayang ang isangdaan kong pamasahe ng balikan...
nagkita kami sa Pavillion tapat ni St. Raymund's... kasama niya yung kanilang mananahi nila ng mga jackets and all... narehearse ko na sa utak ko kung anong sasabihin ko eh.... the moment na tinext niya ko that morning, i sensed something was wrong... ang inakala kong SIYA ang aako ng problema ay mukhang malilipat sa akin....
i was right...
pagdating ko doon, agad nilang pinakita sa akin ang last sketch ko ng aming jacket... BALIKTAD ang logo na nakadrowing doon.... lapis ang ginamit ko doon...pero nang makita ko eh parang kinompyuterays na nila.... at ayon ke manang, ganon daw talaga ang pagkakadrowing ko....kaya nagtaka rin daw siya kung bakit naging baliktad eh ayon nga sa last sketch ko parang "letter T' ang nakaguhit doon.....
mamatay man ako ngayon, i swear hindi baliktad ang logo na idinrowing ko noon.... naknang... apat na taon ko na atang ginuguhit ang logo na yon, tapos ngyon.... ganon ang kinilabasan.... but THAT WAS THEIR PROOF....parang lumabas na kaya naman baliktad ang pagkaembroidered sa logo eh dahil ako naman pala ang may fault.... this has been too much for me..... ayokong makipag-away whatsoever dahil hindi naman ako ganon, lalo pa at sobrang MAAYOS SIYANG KAUSAP... it would be very unethical na magngangawa ako at kalmutin siya ng walang kalaban-laban...
to make the long story short,..... mukhang ako ang sasagot ng karagdagang kabayaran para sa maling logo na inilagay nila.... DALAWANG LIBO rin yon...saan ako tatae ng ganong halaga ng pera by Monday???
Oh well... may kapalit naman eh.... nope! hindi katawan ko ah.... kapag nakapagparefer daw ako sa kanila ng mga magpapagawa din ng jackets, may babalik daw na komisyon sa akin......
SO PLEASE HELP ME GUYS!!!!!!
so dahilan sa ayokong mangutang sa butihin naming ADO dahil ayokong lumabas na abusado, eh kukuha na lamng ako sa sarili kong bulsa ng dalwang libong yon... i only have 4 days to make ipon.... mangholdap ng bangko or anything......
at least we both learned our lessons.... it was all a matter of MISCOMMUNICATION...
ginawa ko naman ang lahat eh.....
marahil dapat ay magalit ako kay Jacket Man...
NO.... hindi sa ganon.... ang maganda naman nito... we were both lucky at kami ang nagkausap, not anyone else.... kasi at least madali kaming kausap... no benggahan whatsoever... LAHAT NADADAAN SA MAAYOS NA USAPAN....
I should be thankful ke Mrs. J dahil nirefer niya ko kay Jacket Man... eh secret lang naten to ah........
crush ko kasi si Jacket Man.... the moment i saw him, sabi ko ke Mrs. j, "ang kyut niya ah"...
pero purely business lang talaga ang mga texts at pagkikita namin sa pavillion... just jacket business...
kaya nga hayon, napatagal pa lalo ang jacket business namin dahil sa mga mistakes naming dalawa...
which eventually lead to FRIENDSHIP...well, i think for a short period of time eh may nabuo na kaming friendship somehow...
lalo pa kahapon, AUGUST 15, 2007....
matapos nga ng mga desisyon na napagkasunduan, pinauwi niya na si Manang Mananahi...
JACKET MAN: "May pupuntahan ka pa ba after nito?"
AKO: "wala na. bum lang. uwi na after."
JM: "punta muna tayo sa may fields."
AKO: "o cge..."
so naglakad kami HAND IN HAND. PASWAY-SWAY PA.... chos!!! no holding hands xempre.. nu ka ba....
infairla.... ANG BANGO NIYA!!!!! few inches lang ang layo namin sa isa't isa... haaaaaaaayyyy.... love his smell.....
Nakablack pants nga pala xa... at sky blue polo... nagapply daw xa for work... haayyy... ain't that cute??? ahihihi....
tapos yun nga.... i'm not asking any questions kung bakit ba kami pupuntang fields or what.... basta nagkkwetuhan lang kami habang naglalakad.....
JM: "Katoliko ka ba? Daan muna tayong chapel ah."
AKO: "oo naman. ikaw katoliko ka ba?"
JM: "oo."
AKO: "dati consistent akong nagpupunta jan eh. as in everyday of my life... pero ngayon hindi na..."
So we went inside.... we kneeled and prayed dun lang sa may likod... ipinagdasal ko kay God na pls sana makakuha ako ng limang libo for the jackets.... at nagpasalamat sa moment na yon... alam ni God na kinikilig ako that time.... ahihihi....
paglabas namin ay may kinausap kaming dating kaklase niya... hi hello.... hmmm... siguro inisip nung girl na there's something going on sameng dalawa...hehehehhe....
so nasa labas kami ng chapel...
JM: "alam mo.......... (struggling for words...) ikaw na ata ang pinakacool na taong nakausap ko..."
AKO: (blushes)....(giggle)..."ha?? bakit mo nman nasabe?"
JM: "eh kasi ok kang kausap. siguro kung iba yon...... basta... "
AKO: "(tawa)....bakit mo naman nasabi? dahil ba sa pagtetext ko? nakakatawa ba kong magtext?"
keme....
keme......
JM: "ganyan ka ba talaga? nag-alala kasi ako... na baka sabihin ng iba.. (umm...mejo di ko na maalala yung ibang conversation namin eh)....
AKO: "naku pinagtatanggol nga kita sa mga co-officers ko.. na wag kang benggahin... "
keme...
keme.....
JM: "....pasensya ka na.... kasi yung dad ko... alm mo na..."
AKO: "naintindihan ko... business is business...ok lang yon..."
JM: "...kaya nga ok dahil maayos kang kausap... ayoko naman kasing mahirapan ka rin.... kaya...... (something... something...)....."
JM: "basta astig ka...."
pakshit! ito ang mahirap kapag hindi mo na maalala yung ibang conversation eh.... hindi ko tuloy ma-grasp yung moment na yon... parang nandito lang siya sa puso't isipan ko that i can't put into words.. naaakkksss!!!
tapos naupo kami dun sa may mga pav na may bubong malapit sa fields..... magkatabi kami.... may mga kaunting tao pero tahimik ang buong UST dahil wala namang pasok....
JM: ".....ganyan ka ba sa aa??....."
AKO: "...hindi naman ako ganito lagi... silent but deadly lang kasi ako... kung may problema, kinikimkim ko nga lang o inaako ko lang.... pero kapag sobra na, shempre nagagalit din... may mga bata rin na takot sa akin dahil masungit ako..."
JM: ".....namumula ba ako?"
AKO: "..(tawa) oo noh! nung dati nga diba mineet ka namin sa pav ng mga frends ko.. tapos sabi ng kasama ko 'hala.nung pagdating natin sa pav ang puti-puti niya, nung umalis na tayo, sobrang ang pula-pula niya na'....."
JM: "....ganun lang talaga ako... namumula ako... ibig sabihin non, nag-iisip ako..."
keme....
keme.......
keme...........
JM: "...o sige uwi na tayo baka gabihin ka... kaya lang naman kita kinausap dahil gusto lang kitang makilala.......... basta astig ka talaga... wala akong ibang maisip na term..."
*kilig*
so naglakad kami sa tapat ng Main Building patungong Espanya.... still chatting...
JM: "may binigay si J sakin dati na tiket sa play niyo kaso hindi ako nakanood.."
AKO: "sayang naman!... nood ka ngayong september ha... aarte ako... madramang role...hehehe.."
JM: "bukod sa aa at sa school... ano pang mga pinagkakaabalahan mo?"
AKO: "...wala.... boring akong tao eh... hindi ako magimik.... di ko hilig yung mga bars and all.. tambay lang kung saan saan... sa mga bahay... basta puro aa lang talaga ako..."
JM: "ganyan ba talaga kayo ka-bonded? gaano kayo ka-close sa isa't isa?"
AKO: "as in walang hiyaan talaga.. kahit pa maghubad kami sa harap ng bawat isa ok lang... ganun...."
AKO: "ikaw? anong pinagkakaabalahan mo nung nanjan ka pa nag-aaral?"
JM: ".....mga orgs din....music... banda..."
AKO: (gulat) (tatawa).... "talaga???!!! ano ka sa banda??? gitarista? ano??... (tawa)..."
JM: "...kumakanta.....may mga gigs kami paminsan.... minsan invite ko kayo..."
AKO: "(tawa some more).... talaga?....amazing!!!!!!!.....wow...... (tawa).....
JM: "ayos sa reaction ah.... (ngiti)..."
AKO: "hinde..naamaze lang talaga ako.... di ko kasi akalaing isang INTELEHENTENG taong katulad mo eh sumasideline ng ganyan.... ang galing...."
AKO: "......first impression ko kasi yun sayo eh... nung pinakilala ka ni J saken, binulong niya sa akin na ishake hands daw kita for formalities sake... so sa isip ko, napakapormal mo naman at mukhang INTELEHENTE..... kaya yun... (tawa)..."
JM: "........over compliment naman yan... (tawa)... ganyan ba talaga kalalim ang pananalita mo? INTELEHENTE?.."
AKO: "...hehe...wala lang... gusto ko lang ginagamit ang mga terms na ganyan...."
JM: "CA ka ba?"
AKO: "oo."
JM: "...may pinsan din akong CA, 1st year.."
AKO: "sana nga hindi na lang ako nag-CA... pakiramdam ko kasi wala akong natututunan dun kundi dumaldal lang.... mas marami pa akong natututunan sa aa... sana ginawa na lang nilang major subject ang aa... malay ko ba na may advertising pala... sna nag cfad na lang ako..."
JM: ".....ako din nga eh....sana nag arki na lang ako....pero hinde eh..."
tapos pinag-usapan pa namin yung mga ginagawa niya sa engineering course niya non... at yung mga pwede niyang aplayan na job sa course niya.....
gusto ko pa sanang bagalan ang lakad ko para masmahaba pa ang oras na kasama ko siya.....
hanggang sa nakatawid na kami sa kabila.... lalakarin na lang niya yung pauwi sa kanila.... ako naman ay sumakay na....
pakiramdam ko eh lumulutang ako sa saya.... tinext ko agad si fhadz.... alam naman kasi niya yung hirap na dinaranas ko sa jackets na yan..... bilang TD at PD, siya ang lagi kong karamay sa mga ganitong trabaho.... so siya agad ang tinext ko sa kilig na nadarama ko at that moment....
IT WAS LIKE PUPPY LOVE ALL OVER AGAIN....
hindi ko malimot HOW ROMANTIC THE ATMOSPHERE WAS...nung kasama ko siya sa may fields.... gabi na... tahimik ang paligid.....and we were just talking.....
tapos we both went to the CHAPEL pa.....
Haaayyyyy... gaya nga ng sinasabi ko ke J at fhadz, mamulubi man ako sa hirap....at least mayaman naman ako sa pag-ibig (nyayks! korni!).... basta... nararamdaman ko kasing ok na kaibigan si Jacket Man eh.... so keri na yon para sa akin......
Gaya ng sinabi sa amin minsan ni Goddess, "everything happens for a reason..."
there must be a reason kung bakit nagkandaleche leche ang jackets na yan.... may kapalit naman siguro na maganda yan.... so i've found a new friend.... i've learned my lessons din... at gayon din daw siya.... at least for just a few minutes that night, nakasama ko siya.....
Haaaayyy.... that was one of the most romantic nights ever.....para sa akin, isa itong mini-date...hehehe..... hanggang dun na lang.... minsan lang to mangyari kaya pagbigyan na.... haaayyyyy....
*KILIG*
*KILIG*
*KILIG*
Posted by mUnChKiNs at 7:12 PM 6 comments
Friday, August 10, 2007
JEEPNEY LOVER???.....PINOY KA!!!!!
Napagtanto ko kasi na kapag sumakay ka sa loob ng isang jeep eh madarama mo kung ano ang pakiramdam ng maging isang Pinoy... heto ang mga dahilan kung bakit ko ito naisip... BASAHIN MO KUNG FEELING MO EH PINOY KA... kung hindi naman.... basahin mo pa rin... aba nakaabot ka na ng ganito kalayo, hindi mo pa itutuloy... TSK!!
Kapag nakasakay ka ng jeep, may mga iba't ibang DIFFERENT KINDS OF MANONG DRIVERS ang makikilala mo... sila sina....
- KASKAS MO BEYBEH - ang mga daredevils ng daan. kinikilala nila ang kanilang sarili bilang HARI NG DAAN... walang pakielam kung beating the red light na ba sila oh ano..sila yun mga putragis na manong na hindi pa ako nakakababa eh umaandar na, o hindi pa nakakaupo eh bumarurot na sa bilis. Ang payo ko lang sa mga pasahero, huwag sumakay sa dulo malapit sa pinto kung ayaw niyong tumilapon at maging chunkee cornbeef...kung nagkataon na yun na lamang ang tanging upuan, hold on tight ka na lang ate at kuya, pagkat byaheng langit ang aabutin mo.
- LOLO, MATAGAL KA PA? - late ka na ba sa school? sa trabaho? at sa lahat ba naman ng oras eh nasakay ka pa sa jeep na oh "juicekopoplizlang" kay bagal naman!! heto ang mga drivers na UBOD NG KAY BAGAL sa pagmamaneho...tila ba may malupit na LSS (Last Song Syndrome) ni Frank Sinatra o Love Me Tender ni Elvis Presley sa kanyang utak kaya naman kung anong ikinabagal ng kanta sa utak niya eh gayon din ang bagal ng kanyang pagdrayb.. heto pa ang matindi, sa lahat ba naman ng oras eh NAGPAGASOLINA PA SI MANONG gayong 45 minutes late ka na sa klase, eh naging 50 minits na ito.... oh pleaze lolo, kamown mamown!!!!
- HIHINTAYIN KITA HANGGANG SA DULO NG WALANG HANGGAN - im sure nakilala na nating lahat si manong na HAYOK SA PASAHERO. Kahit na alam niya, deep in his mind, heart and soul na mukha namang hindi sasakay si ate/kuya doon sa may kanto, eh pilit pa rin siyang titigil upang imbitahan silang sumakay. heto namang sina ate at kuya eh no reaction lang sa imbitasyon ni manong. pero si manong, hala sige!! mga sampung beses pa niyang iwawasiwas ang kanyang placard sa kanila gayong hindi nga sila sasakay!!!! nakapagtataka rin na hindi kaya ang mga manong na ito ay may THIRD EYE?? pagkat bigla mo na lang napapansing tumitigil siya sa mga lugar na wala namang katao-tao, ni walang pumapara.... pero hayon parin siya, mukhang naghihintay sa mga pasaherong wala naman talaga.. weird...at ang isa pa, heto rin ang mga manong na kahit alam nilang punung puno na nga ang jeep, hahakot parin ng pasahero yan. with matching lines na "oh! onting ipit lang ho...marami pa ho jan, sa kaliwa, sa kanan! pakiipit lang ho..maluwang pa yan!" TSK! ipit na ipit na ang betlogs ng katabi mong si kuya eh patuloy parin ang paghakot ni manong ng pasahero.. HAYOK!!!!
- PUTANGINAMOGAGOTARANTADO!!!! - heto ang mga manong na forever mainit ang ulo. nakakatawa talaga everytym nakakasakay ako sa ganito. kita mo sa front mirror niya na naka-unibrow na siya dahil sa sobrang kunot ng noo niya. Kanino kaya siya galit? marahil sa asawa niyang bungangera...o sa karu na nagoberteyk sa kanya..kay Gloria marahil? o sa katabi niyang may putok? anu man ang kanayang dahilan, matalas ang dila niya sa pagmumura. Kawawang mga bata, kapag nasakay sila sa ganitong atmospera, marahil eh kay manong nila marinig ang first ever mura nila..isang ehemplo nito eh yung kaninang nasakyan ko.. alam niyo yung mga batang pulubi na bigla na lamng sumasakay kapag nakatigil ang jip tapos walang kalaban-labang pupunasan yung mga sapatos niyo.. hayon si manong, nag-flare up bigla, "POTTTANG INA MO KA, NANJAN KA NANAMAN AH!!!!" (kay tigas ng mura niya)... so bumaba si kid, hindi pa man bumibilis ang sasakyan namin ay biglang...... *****KAPINGTAKTOGGG!!!!!!!******* yon ang tunog ng malaking batong ibinato ni Kid Punas na marahil ay nabadtrip kay manong... salamat sa Diyos at walang natamaang pasahero... wala narin nagawa si manong kundi ang sumimangot at magmura sa isipan niya (oo, narinig ko...)
- I WILL NOT BREAK THE LAW! - in fairness nman, may mga mababait din na manong na neutral lang sa lahat ng yan... bukod sa ma-PO at OPO sila sa kanilang mga mahal na pasahero, ay talaga namang sumusunod sila sa batas... katulad na lang ng pagbaba ng kanilang pasahero sa tamang babaan...at pagsakay din sa tamang sakayan.. kawawa nga lang minsan yung mga pasaherong napakalayo na sana ng binabaan nila eh, lalo pang inilayo ni manong dahil, "Sandali lang ho...bawal ho kasing magbaba jan... doon lang ho tayo..."
ilan lamang yan sa mga karakteristiks ng mga manong jipni draybers na ating nakikilala sa araw araw... ano man ang kanilang ugali ay talaga namang napamahal na sila sa atin...
heto naman ang mga PINOY KARAKTERISTIKS na naaoobserb ko kapag ako'y nasasakay sa jeep...na tanging Pilipins lang ata ang nakakagawa....
- UNITY - saan ka makakakita ng mga strangers na nagkakaroon ng silent communication sa tuwing nag-aabot ng bayad kay manong. Dito ko rin napansin na dahil sa pagkakaisang ito ay nagkakaroon sila ng care sa kapwa nila dahil ayaw nilang mangawit ang kili-kili nito kaya naman kapag narinig mo ang mga salitang "Bayad Po..." ay haharap halos lahat sa iyo at sabay-sabay pa ngang kukunin ang bayad mo upang iabot ito kay manong.. gaano man kalayo ang pinanggalingan ay tiyak na makararating ito kay manong.
- HUNGRY FOR POWER- gaya nga ng sinabi ko, kung may katiyakan kang makararating kay manong ang bayad mo, dapat eh maging alerto ka rin kung iniaabot nga ang iyong bayad o sukli... dahil para sa mga gutom na Pinoy (simbolo ng kahirapan), tiyak na "PATI SUKLE, MADADALE.." totoo yan.. nakarinig na ako ng mga kasong ganyan.. na si ale eh hinihingi ke manong ang sukli... si manong naman sabi, "Aba'y naiabot ko na sa iyo ah!"... at doon na magssimula ang argumento nila... Tsk! maging alerto sa mga gutom na Pinoy.
- ADIK SA TEXT - heto ang mga nakakasalamuha mo sa jeep na walang takot sa mga magnanakaw... teks galore to death pa rin sila na tila wala nang bukas pang masisilayan. latest man ang celpon o 5110 lang eh, tiyak na makikita mo ang pagiging "TEXT CAPITAL OF THE PHILIPPINES" sa tuwing makikita mo ang mga ganitong tao...
- ANTUKIN - wala ata akong jeep na nasakyan na wala nito. dito lang makikita kung either MASIPAG o TAMAD ang isang Pinoy. marahil kasi maiisip mo na kaya siguro siya nakakatulog ng walang kalaban-laban eh dahil pagod sa trabaho... kawawa naman xa.. pagbigyan na kung magkandauntug-untog na ang ulo niya sa balikat mo.. o marahil kaya siya natutulog eh dahil hobby niya lang ang matulog.. Juan Tamad ika nga.. ang mga antuking eto yung mga taong walang hiya (as in no shame) na natutulog kahit na muka na silang engot sa ichura nila. mukhang groggy... left and right, up and down ang ulo nila...hahawak sa railing (tama ba?), tapos mabibtawan rin naman mamaya... hahawak muli...bibitaw... left and right... up and down....
- MANG DURUKOT, MANG DURUGAS - eto yung mga manong na kinatatakutan ng mga pasahero... ang mga magnanakaw sa jeep... oo, marami niyan sa Pinas... hindi lamang sa jeep.. pero dahil nga maxadong enclosed ang jeep eh madali lang ito gawin para sa kanila... may mga co-durugas at co-durukot sila na maaaring umupo sa harap, sa gitna o malapit sa may pinto para siguradong lagot na..TSK! Yan ang mukha ng mga Pinoy na hanggang ngayon ay walang pagbabagong nais na mangyari sa buhay nila kundi makaperwisyo lang ng iba...
- HAPPY HOURS - ang mga Pinoy ay kilalang mga pinakamasayahing mga tao sa buong Asya...baka nga sa mundo pa... kaya naman hindi maiiwasang sa sobrang kakahappy hours eh may makakasabay ka na lang na amoy alak, pula ang mata at parang si Cookie Monster kung magsalita.. yan ang mga lasenggerong nakikilala natin lalo sa gabi....
- MISS, PASILIP - maraming mga magagandang Pinay dito sa Pinas... pero may mga iba na sa sobrang trying hard na magpapretty eh nakapagsusuot ng mga mahahalay na damit.. nais siguro nilang gayahin ang ang mga nakikita nila sa magasin o sa telebisyon kaya naman nakaMICRO-MINI-SKIRT o PLUNGING NECKLINE GALORE sila kapag nagkokomyut... well, dahil jan, magtiis ka na lang sa mga manong at kuyang malagkit ang tingin sa iyo... malantod ka kasi... buti sana kung marami kang kasama... tsk!
- SI KUYA AY... ATE PALA! - uso na kasi sa Pilipinas ngayon ang mga BISEKSWAL at mga BADING... kaya naman minsan may makakasabay kang akala mo'y dream papa mo na... ayun pala'y hanap rin ay papa... ayyy!!! sayang.. eto pa man din usually yung mga mukhang GYM-BUFF tapos bigla mo na lang maririnig sa kasama mong pure bakla na "naaamoy kong bading siya".... sayang...
- MALAMBING - yan ang Pinoy... malambing sa kapwa..kaso talagang naiirita ako sa mga nasobrahan na ng lambing! mga magsyotang akala mo'y motel ang jeepney, naglalampungan na ang mga pepe!! Get a room, you two!! yan ang nais mong isigaw sa kanila.... kung makapulupot ay parang ahas...tsk! as if may aagaw sa boypren/gerlpren mong mukhang HIPON!!
- MAHILIG KUMAIN - oo, very Pinoy yan..kaya naman hindi maiwasang magkaroon ng kasabay na sakop ang upuang kasya sana ay tatlo pa ngunit nakuha niya na lahat ng espasyo.. wala naman akong thing sa mga majujubis (cute nga nila eh... haroooOoOoOOO...) pero minsa'y hindi mo maiwasang mairita paminsan pagkat pag nagsiksikan na eh maririnig mo silang, "TSK!" ... aba ate!!! kaya naman kasi masikip dito eh dahil sa iyo!! wag mo akong i-TSK-TSK jan hano!!!
- MISTER/ MISS CONGENIALITY - tanging dito lang talaga sa Pilipinas mo makikilala ang pinakfriendly na mga tao... kahit hindi kayo magkakilala, pag nagkataon.. say for example may banggaan kayong nadaanan.. hala! biglang magkkwentuhan na ang mga kuya at ate sa loob ng jeep na animo'y parang reunion lang nila!! "grabe yung nagbanggaan ano?" ...."oo nga, bagong bago pa mandin yung koche..".. "naku nung isang araw may ganyan din dito banda... patay yung drayber!"... "ganoon ho ba? ano ho bang pangalan niyo? may insurance na ba kayo??"..."tatlo ang anak ko, yung isa nakapagtapos na ng kolehiyo...".... "wanna meet sometime?"... SOSYAL.... mejo exaggerated ang iba.. pero may mga ganyan talaga... hindi mo man nalaman ang pangalan ng mga nakausap mo, at least for that moment eh para na kayong nakapagBONDING GALORE WITH A STRANGER.. yan ang Pinoy, friendly talaga...
Masaya magjeep... kahit ba uso na ang FX ngayon, wala paring makapapantay sa pagsakay sa Jeepney.... With all that POLLUTION... VIOLENCE... FUN...RUSH HOURS.... SIKSIKAN...GITGITAN.... ang saya diba?
SURVIVAL THINGS TO DO PAG NAKASAKAY NA SA JEEP:
1. Kung paranoid ka sa mga magnanakaw, huwag na huwag matulog dahil kadalasa'y pinupunterya ang mga humuhilik sa jeep at paggising mo, may slash na ang bag mo..
2. Kung inaantok ka na talaga, THINK OF HAPPY THOUGHTS like having kinky sex with your crush... paniguradong gising ang ulirat mo nyan.. tataas pati ang libido mo.. edi gising na gising ka!
4. Yakapin mo ang bag mo, at wag na wag ilagay sa likod mo, o sa gilid mo...
5. Pag biglang bumulwak ang pagkatindi-tinding POLUSYON sa katabing sasakyan, make sure na magtakip ng ilong kung ayaw mong mangulangot mamaya ng singlaki ng Butterball sa ilong mo... eeewww...
6. Kung may cute na lalaki/ babae kang nakasabay, it won't hurt na magpakyut ng kaunti... minsan mo lang siya makasabay, mahihiya ka pa ba? You'll never cross paths agen (something like that..)...
7. Wag maging madamot... kandungin ang bag... idikit ang mga legs at ipitin ang mga bayag upang magkasya tayong lahat...
8. kumapit ng mabuti... you'll nverknow kung kelan magbebreak si manong.... nakakahiyang tumilapon ka sa dulo ng jeep kung nasaan nandoon ang trash can na may nakasulat na "shoot that kalat!"
9. iabot o kunin mo ang bayad ng katabi mo... wag mo nang hintayin ang ten years bago mapansin ng ibang walang nais mag-abot kay manong . DO UNTO OTHERS WHAT YOU WANT THEM TO DO UNTO YOU...
10. Mahalin ang sariling atin.. Pinoy ka.. Pinoy ako... isipin mo lagi na tanging dito lang sa Pilipinas magkakaroon ng ganyang transportasyon... nakakainit man ng ulo minsan, nakakabagot man... don't worry, makararating ka rin sa iyong paroroonan...
Posted by mUnChKiNs at 9:04 PM 3 comments
Wednesday, August 8, 2007
PARA SA TAONG HINDI MAALIS SA ISIP KO
"Let Me Let Go"
By: Faith Hill
I thought it was over, baby
We said our goodbyes
But I can't go a day without your face
Goin' through my mind
In fact, not a single minute
Passes without you in it
Your voice, your touch, memories of your love
Are with me all of the time
Let me let go, baby
Let me let go
If this is for the best
Why are you still in my heart
Are you still in my soul
Let me let go
I talked to you the other day
Looks like you make your escape
You put us behind, no matter how I try
I can't do the same
Let me let go, baby
Let me let go
It just isn't right
I've been two thousand miles
Down a dead-end road
Let me let go, darlin', won't you
I just gotta know, yeah
If this is for the best
Why are you still in my heart
Are you still in my soul
Let me let go
The lights of this strange city are shinin'
But they don't hold no fascination for me
I try to find the bright side, baby
But everywhere I look
Everywhere I turn
You're all I see
Let me, let me let go, baby, won't you
Let me let go
It just isn't right
I've been two thousand miles
Down a dead-end road
Oh, let me let go, darlin', won't you
I just gotta know
If this is for the best
Why are you still in my heart
Yeah, you're still in my soul, let me let go
Let me let go, let me let go
Posted by mUnChKiNs at 2:28 PM 2 comments
Sunday, August 5, 2007
Goodbye
hindi naman masamang umiyak paminsan. masarap lumuha. lalo pag alam mong, mamaya, o paggising mo... ngingiti ka na ulit..
Posted by mUnChKiNs at 4:09 PM 0 comments
ALAK
nandoon ang mga high school kaberks ko... hindi man kumpleto, napakasaya ko at nakita ko silang muli... aalis na kasi si monica for good.... nandon ang buo niyang pamilya sa ibang bansa....
pero hindi yan ang pinakadahilan kung bakit ako nagbblog....
maga ang mata ko sa kakaiyak minutes ago.... i had one of the biggest fights with someone....
NAGKAMALI NANAMAN AKO...
SAWANG SAWA NA AKO....
Mali nga ba ako?
pakiramdam ko, masyado ko na talagang pinaniwalaang masama nga talaga akong tao....
I AM JUST A WORTHLESS PIECE OF SHIT WHEN I AM AROUND THIS CERTAIN PERSON....
Ang bigat ng pakiramdam....
ayan.... habang nagtatayp eh nagpupumilit nanamang tumulo ang luha ko.... tama na please.....
i've humiliated myself enough in front of that person....
the biggest TANTRUM i've ever had... i never had any tantrums when i was a kid.... i was always the good girl... the quiet one...
dala lang ba ng alcohol sa katawan ko???
HINDE... maayos pa ko mag-isip.... i know exactly the words i said kanina......
"Pwede ba... kahit minsan sa buhay mo.... kahit minsan lang.... wag mo namang tingnan yung masamang side ko.... alam mo, OK naman ako eh.... ang panget ng term noh? "OKEY" lang ako... magaling nako sa ibang bagay, pero alam ko dito hinde... pero please.... the next time na magkita tayo... itry mo lang... nagmamakaawa ako.... mabuti naman akong tao.... mabait naman ako.... "OK" naman akong tao.... try mo lang tingnan.... kahit minsan, wag mo namang isiping mali ako, kahit minsan lang... wag naman puro kamalian ko ang makita mo...nagmamakaawa ako..."
I want to let go.... why am i in this damned situation??? i'll never be good enough.... i am never good enough....
i am the worst that you will ever have....
no one can have me... ever again... if i'm this bad....
i believe that i am not worthy of any love from the opposite sex...
ang sabi nila, MANHID daw ako....
is this the image na pinanghahawakan ko since noon pa? since highschool.... people call me that because i never cry....
I NEVER SHOW MY TEARS TO ANYONE... then they'd say i'm MANHID...
i grew up believing that i'm MANHID to your feelings.... to your needs....
bakit? IS IT ME? Or dahil yun yung paniniwala mo sa akin, kaya yun narin ang kinalakihan ko...
OK naman ako ah..... Kilalanin mo ako, you'll see that i can be sweet.... i can do the things na ineexpect mo sa akin....
What's wrong with me? Ako ba talaga ang may mali....
Mukha na akong tanga sa pagtatantrums ko kanina..... sumisigaw ng parang bata... binabato lahat ng gamit na hawak ko sa kanya.... sinasaktan... kinakalmot.... violence... pure violence....
ALCOHOL lang ba ito?? may tama na ba ako? hinde.... nasa tamang pag-iisip pa ako.... nagbblog ako eh....
Can't you see that i can be who you want me to be? pinangungunahan mo lang ng kakaenumerate ng mga mali ko evrytime na magkikita tayo.......
because of my PRIDE, i always think that i'm right, i'm the boss.... wag mo kong didiktahan.... ayoko ng ganun eh..... gagawin ko ang gusto ko..... just let me do what i want to do.....
wag mo naman akong maliitin at sabihin na wala akong kwenta...
"Wala ka kasing kwenta!!!"
Ilang beses ko nang naririnig yan sa isang tao.... sinabi niya yan with full conviction as if it's the most proper thing to say at that moment...or for all eternity... as if that person will never be wrong again for saying such cruel words.....
ngayon, pati tuloy ako napaniwalang wala nga akong kwenta....
hindi ko naren maintindihan... saan na ba ako lulugar?
i feel that i'll never be happy again....
nandito parin yung luha ko.... nagpupumilit na bumagsak......
mga masasakit na salita, hanggang ngayon naririnig ko pa rin sa tenga ko....
wla nga ba akong kwenta???
ALAK lang ba to?? kailangan ko lang ibuhos yung bigat na nararamdaman ko ngayon....
bakit ba kailangan mapunta ako sa kumplikadong sitwasyon?
ano bang humahadlang sa akin para hindi raw makinig??? para hindi raw sumunod man lang.....
natatakot ako sa sagot.....
nagbago na nga ba ako???
o sinasabi niyo lang yan???
maski ako naguguluhan....
putek. ang hirap ng walang masabihan ng ganito eh.....
it's so not me to share these kind of things to someone....
See?? PRIDE nanaman pinapairal ko......
Alam ko, mamaya OK na ako....
kinailangan ko lang ilabas to.....
I almost gave up.... one part of me wished that i could've let it happen... another part said "no you won't".....
ASO'T PUSA.....
hanggang kelan ba to???
napapagod ka na ba??? pagod naren ako... pls lang....
ano bang gagawin ko???
stop blaming me for everything.... maybe then, i'll stop blaming myself too....
shet.
Posted by mUnChKiNs at 8:21 AM 3 comments
Thursday, August 2, 2007
BABIES EVERYWHERE...!!!
Posted by mUnChKiNs at 3:05 PM 1 comments
THESIS BLUES
Posted by mUnChKiNs at 2:34 PM 0 comments