The following stories are from the emails i sent to my sisters back home in the Philippines. I'm currently here in Singapore for the much awaited vacation with my mother to see my brother, his wife and their daughter Hershey. After all we've been through....of Papa finally going up in Heaven... i think we really needed this vacation. But of course it was just my mother and i. Besides that we don't have that big amount of money for the tickets, my two sisters have work in the Philippines. I just resigned from my work right after Papa went to His place. Too bad, Papa wasn't able to hold his first apo. Haaaaay. Oh well, like he said, "Life Must Go On"... indeed we are trying to get on with our lives without Papa beside us. However, I shall not dwell too much on what i feel about Papa being gone, for words are too limited to express it right now. I would like to write about it someday, but that would not be for now. As of the moment, i'd like to share to whoever would read this, the joy of being here in Singapore. I apologize for not trying to edit my emails for a much better version. In short, tinatamad kasi ako eh. hehehehehe.
SENT ON AUGUST 17, 2008, SUNDAY:
hehehe... nakalimutan kong banggitin sa inyo kung saan ako nag internet... doon sa ubod ng ganda nilang airport na talaga namang wala nang tatalo pa sa kagandahan at linis... mahaba pa sana yung kwento ko non eh kaso bigla nakong tinawag ni mama dahil nga kikitain na namin sina kuya sa labas ng airport...
oo maganda ang singapore.. maraming buidling... lahat ng mga bahay eh nasa building wala kang makikitang mga individual houses dito... at ang mga koche nila ay nasa right side ang driver. at grabe ang organized nila sa pagsakay ng bus ha... may designated lang talaga na bus stop na doon ka lang talaga magpapara at doon lang sila magbababa... tapos may certain number ang isang bus depende kung saan ang destinasyon mo... maraming intsik at bumbay dito... medyo mababaho yung iba... may masangsang at may amoy putok... marami ding mga Malay people dito na mukha lang pinoy. kaya nga sabi ni kuya pwede na raw akong pumasa bilang isang Malay...walang trapik dito at kahit pa walang dumadaang mga koche eh basta't sinabi ng stoplyt na RED, dapat titigil ka kahit pwede ka namang magbeating the redlight factor..haha... ang ganda ng mga parke nila dito... amazing talaga...
di ko pa natatry ang singaporean food nila... kasi yung padalang longganisa nila mami ang kinain namin kaninang lunch... masarap namang magluto ang katulong nilang si shiela...
nice naman ang house nila.. very compact ang datong.. 3 bedrooms and 2 CR... malinis infairla ha... ganda ng flooring.. at uso pala dito ang naghuhubad ng tsinelas bago pumasok sa haus. ganun din sina kuya eh...cute ng kitchen nila, yung mga cabinet and all that jazz... kaso unlike sa bahay, para bang kulang kulang sa mga stuff kasi marahil ay mahal nga kasi ang mga bilihin dito...
si Hahpi, malaki ang tiyan.. naging mala chubby siya.. pero parang mas lalo siyang pumuti..kaso hindi pa rin siya masyadong maganda eh.. bwahahahahhah!!! pero ok naman.. medyo nice naman ang trato niya sa amin... "Ma" nga ang tawag niya kay mama eh... naaaaaaaaaaaakkkksssss!!!
Si kuya as usual mukhang tatay na.. at talaga namang marunong na siyang mag alaga ng beybi ah.... napaka-OA niya kaya kay hershey, dapat daw mag alcohol at magtoothbrush kami bago namin siya hawakan.. kalechehan.... pero forever lang naman namin nilalaro si hershey dito na ubod ng cute! napakaliit nia lang pala kumpara sa mga pictures niya... ang lalaki tuloy nung mga Barney, Piglet at Doraemon Costumes na dala namin....hahahha...
aba naman kung lamutakin ng katulong itong si hershey eh parang anak nia ha...pero wla naman akong galit sa kanya or anything kasi mukha naman siyang mahusay mag alaga ng beybi... tutal eh lima daw ang anak nia sa Pinas..
Cutie ni hershey talaga ang titugas ng mga buto nia.. gusto niya laging tumatayo siya... tapos kapag nanggigigil siya nag-iistrong pati ang labi niya habang naka-pout siya..hahahha...
Kahapon nman medyo nabadtrip ako kasi superduper pagod na nga kami ni mama tapos pumunta pa kami dun sa hause ng brother ni hapi..so akala ko naman mga chorva lang ng onte and then iaabot yung kaunting pinadala namin kay kuya na longganisa, etc... aba pag dating namin doon, may prayer meeting pala sa haus nila.. naabutan naming nagsisikantahan yung mga christian frends nila..so akala ko naman sandali lang yon... but oh no! mga dalawang oras ata kaming nandoon eh mga 10pm na ata yun shempre pigil na pigil kami ni mama sa antok namin pero wala naman kaming magwa dahil ang rude naman kung sabihin namin kay kuya na trip na namin talagang gumora... so nakinig kuno na lang kami dun sa pastor, then kumanta sila, then nagdinner kami doon then finally nag bus na pauwi..etong si mama wala nang toothbrush toothbrush at hilamos,, dumerecho nang natulog..grabe naman kasi pumunta pa kami doon sana next time na lang, yung walang prayer meeting para hindi kami ginabi..
Maya maya naman magsswimming daw kami wid hapi's brother and his family... goodness hindi naman ako nakapagdala ng swimsuit!!!! nandito ako ngaun sa room nila kuya at nagbebeybi tok si Hershey dito... hihihihi...
oh siya.... til next time olrayt!! love you all... si Linus kamusta? baka inaapi nio na.. kamusta naman kau jan? God bless!
WITH LOVE,
MARCHELLA G. CALICA..
SENT ON AUGUST 21, 2008, THURSDAY:
HOY TABA ATE... SIGURADUHIN NIO LANG NA DI NIO INAAPI SI LINUS JAN AH.. very good at tinatanggalan mo pa rin sia ng pulgitos...
anyways, grabe dito guys, kakaiba talaga ang lugar dito..bukod sa right hand drivers lahat pati kalsada ay baliktad din pati mga escalators... i mean ung nakasanayan naten na nasa left side yung pababang escalator ay nasa right side sia dito, and vice versa...weird............
tapos napakababaho nga naman talaga ng mga tao dito pambihira...kaya pag aalis kami eh todo paligo ako ng spray ng pabango ko eh para at least maibsan man lang ang kabahuan sa paligid ko... nung minsang nasa tren kami, humihinga ako sa pamamagitan ng aking bibig dahil amoy ulam, amoy maasim, amoy matapang na shawarma, amoy kili kili, amoy bunganga ng bagong gising, etcetera.... whew!!!!! minsan nga eh may nakasabay akong indian girl na maganda naman as usual kaso ke baho jusmeh!!! sa sobrang ka-oilihan ng buhok nia ay kung anuanong particles ang nakasabit sa long thick hair nia... tapos balot na balot pa mandin siya... haaay grabeh...
Nung sunday, august 17, nagpunta kami sa may coast east side kyeme-whatsitcalled-i-forgot... basta lugar kung saan may mga bahay bahay na pwedeng irent ng mga pamilya o frends tapos pwedeng mag ihaw ihaw, maglakad lakad....maganda yung place...malawak at may mga park, may mga stores, kainan at may swiming pool...at dahil nga wala kaming swimwear ni mother, di kami nakaligo..sayang...ang strict naman kasi noh...kung bibili naman kami ng bathing suit, eh ke mahal namn... chaka naisip ko, naku naman halo halo ang naliligo doon sa pool..kaloka naman at baka may mga intsik behong umiihi don...o mga indianong nagwiwiwi....can u imajin that????!!!!! Goodness!!! hahahaha.... bitter lang ako dahil hindi ako nakapagswiming eh very inviting pa man din ang pool... kaya nga pala kami nagpunta doon dahil may mini-gathering yung brother ni hapi dahil bertdi nung asawa nung kuya nia na mukhang maldita....
Moving on...
Pumunta kami sa SENTOSA nung august 18, monday, weding aniv nila kuya.... wow grabe heaven dun ah.. dun mo makikita yung malaking MerLion...yung kamukha ni lion king, ginawa mo lang bading dahil nga half mermaid ang dating nia....tapos may skyride din doon, sinakyan namen nila kuya at mama yon... si mama halos hindi magkandaugaga sa nerbiyos dahil napakataas nia... at take note hindi yon closed na sasakyan sa ere ha...yun yung nakatiwangwang lang yung mga paa namin na pag naglikot ka eh baka mahulog ang tsinelas mo..dont worry guys, well documented ang lahat, makikita nio ang pictures and videos namin ng aming mga adventures dito... pagtapos nung skyride, sumakay kami sa mala-go-cart ang dating pero different version,napakasaya!!!!!
tapos pumunta rin kami that day sa man-made beach na amazingly, breathtakingly
beeee-yooooo-ti-fooooooool....... tinawag pa nga yung lugar na yun na SOUTHERNMOST PART OF ASIA dahil dulo na nga iyon ng Asya...Kung may dala lang sana akong swimsuit eh nagtampisaw ako doon...pero malay nio e bumalik kami ni mama don para magswiming galore.....eksayted me!!!!
alam nio nga pala, yung mrt nila dito ay walang binatbat jan sa atin dahil airconditioned at ubod ng linis... at gaya nga ng sinasabi ni kuya, napakaefficient ng means of transportation dito dahil may iisa silang card na niloloadan mo lang... yung card na yon, pwede mo ring gamitin sa bus dahil hi-tech ang bus nila, de-swipe ang bayad mo bago ka pumasok...tapos may mga double-decker silang bus dito..saya! katakot nga yung feeling pag nakaupo ka sa itaas...going bak to the mrt, ambilis infairnes at malawak...hindi mo mararanasan yung mega siksikan at patayan sa mrt naten jan...chaka sorta underground yung buong tren nila ha....
kaya siguro kaunti lang ang matataba dito dahil puro lakad nga ang mga tao...pantay pantay lang dahil nga no choice ka kundi lumakad ng lumakad sa tamang sakayan at tawiran.... bawal mag jaywalk...at kahit pa walang dumadaang koche, basta redlight, stop lahat!! Grabe nga atmedyo malayo layo ang nilalakad namin lagi from apartment nila kuya papuntang sakayan ng bus... kaya naman nung nagrocery kami kahapon, lalo pang lumaki ang braso ko dahil sa mga bitbit namin... kung magtaxi ka naman ay ubod ng mahal noh... lahat dito mahal!!! at hindi namin mapigilan ni mama na icompute lahat ng makita naming dolyar sa peso...ang palitan kasi dito ay
1PESO = 30SINGAPORE DOLLARS... So tanging yung mga mura lang ang kinukuha namin.... kaya nga binubusog na lang namin ang mga mata namen sa mahal ng mga gamit doon...
Yung tuesday nga, august 19, pumunta kami sa LUCKY PLAZA, isang mall na mukhang FARMER'S CUBAO.... doon sa upper portion, may isang hilera ng mga pinoy stores at pinoy products at puro pinoy din ang tindera....
ok naman si hershey dito...super cute at super smart... mahilig siyang ngumiti at tumawa... chaka marunong na siyang
mag close open ng malilinggit niang mga kamay... pinagaaralan nia pang mag-1-2-3 sa fingers nia eh...tinuturuan namin sia lagi at mukhang mejo malapit nia nang magets.... cute! napakacurious nia kasi eh akalain mo yun... limang buwan pa lang eh ke talino na....
chaka manang mana sakin si Hershey ah!! pasmado lagi ang kamay at paa!!! clammy lagi!!! ahahahaa..... ang cute cute nga eh... tapos kapag aamuyin mo, may slight amoy maasim at amoy baby na pinaghalo...in fairness kamukha nia talaga si kuya ha... lalo yung ichura ni kuya noon sa baby pics nia na nakatanga at nakatitig, ganun din si hershey... lalo ang lips!! tapos kapag nagmamaldita naman siya, parang may hawig kay hazel.... naku pow!! hazel in the making ata ito....
Si kuya naman, tatay na tatay na...marunong nang magbutinting ng mga apliances, humawak ng plies at kung anik anik... chaka very strict pag dating ke hershey..wag masyadong lamutakin si hershey, wag ilapag sa kung saan, magtoothbrush muna maghilamos bago siya hawakan mga ganong eksena.... tse! basta lagi lang namin nilalaro si hershey...hehehe..
Si mama naman, ok naman siya, umiiyak iyak galore pa rin twing morning minsan...kaya nga kinukuha nia si hershey twing morning tapos dun nia patutulugin sa room namin... si hershey nga ang alarm clock ko lagi eh..sinisipa sipa nia yung likod ko...hihihihi...
Si hahpi naman....eerrmmm...ayos naman... nice nman siya...although shempre ilang na ilang pa rin ako sa kanya... hindi ko naman sia kinikibo pag hindi kailangan eh...mga isang tanong, isang sagot lang...silang dalawa ni mama yung nagchichika lage....
etong si mama nga pala, kung naalala nio yung movie na "kasal, kasali,kasalo", pra siyang pinaghalong Gina Pareno at Gloria Diaz.... shempre sinasabi nia lahat ng mga nalalaman nia kay hapi at sa katulong kung papaano ba ang mga bagay bagay...at naiinis sia sa katulong at kay hapi minsan kasi hindi marunong sa kusina...at hindi masyadong mahusay maglinis..kanina nga lang ay kinukuskos nia yung mga lutuan at kung anu pang makita niang marumi.... ahahahhaa..si mama talaga oh...
oh well... ang schedule naman namin ngayon ni mama, ay balak naming mag-explore galore na kami lang dalawa...kaso sana hindi umulan...
oh siya, hanggang sa muli!!!! kamusta naman kau jan sa Pilipinas?? si mami ba musta? hinaharass ang mga katulong naten?? e sina Dugal na paboritong paborito ni hazel?? hahahahahha....
love you all.....
PS:
FRENDS, FAMILY, ITEXT NIO LANG AKO SA GLOBE KO DAHIL NARERECEIVE KO LAHAT ANG MGA IYAN OKEY???? LAGING ON ANG GLOBE KO... NAKAROAMING AKO...AT GANUN PA RIN NAMAN ANG BAWAS SA LOAD NIO PAG TINEXT NIO AKO... NORMAL LANG...
WITH LOVE,
Marchella G. Calica..
SENT ON AUGUST 22, 2008, FRIDAY:
ang cute cute naman ni linus. super namimis ko sha kahit may hershey kami dito. kaya nga pumasok ako sa isang petstore kahapon para tumingin tingin ng kama nia... nag aalala tuloy ako na baka hindi na nia ako makilala pag balik ko jan.. baka forever nia lang ang kahulan.... woof woof woof..... sniiiifff...
anyways, nag SINGAPORE EXPLORE GALORE kami ni mama kahapon, august 21, na kaming dalawa lang... bahala na kung saan kami mapadpad... so nag-mrt kami at bumaba sa CHINATOWN station. aba naman! mukha nang Tsina! may mga nakasabit pang bilog bilog
na red sa itaas at sangkatukak na tiangge sa paligid..ngunit ke mamahal naman hano.... kung anu naman ang ating nakikita sa divi ay sia ring naroon!!!yung mga dress na trip ko eh 10dollars each, so kung ikukumbert mo, 300 peysos???!! goodness!!!wag na uy! kaya naman kami talaga nagpunta sa chinatown eh para humanap ng mga authentic chinese food na pwede naming lafangin.... eh gaya nga ng sabi ko, mahal!!! siguro ang pinakamura na lang na nakita ko eh 1dollar na rice.... so magkakanin na lang kami ganon??! walang ulam?! hindi umuubra sa amin ang mga 5dollars na mukhang masarap though di namin knows kung ano yun like "pig's organ soup"... what the heck is that???!! Tite ng baboy???!!! wahahahhaha....
so forever kaming naglalakad lakad ni mama doon na wala namang nashashopping... hanggang sa matunton namin ang isang chinese bakery na 90cents lang per pastries galore...so dahil mukhang masarap naman sa mata ang presyo at mukhang masarap din ang ichura, bumili kami ng anim na pirasong mangangatngat namin habang kamiy naglalakad... at dahil nga ubod kami ng kunat ni mama, sukat ba namang sa 7-Eleven ang bagsak namin upang bumili ng maiinom!! dalwang pirasong botelya ng maliit na mineral water na for 1dollar and 30 cents ata yon... aba talagang kinuha namin ang pinakamurang makita namin don...jusmeh nakakaawa naman kami at di man lang kami nakalamon doon dahil sa pagtitipid namin...
pero para naman may kahit maliit kaming souvenir na madala man lang ay bumili kami ng magnetic magnets na may mga nakaukit na singapore pictures... for 1dollar and 20 cents each...tatlo ang binili namin....
edi gora na kami sa MRT ulit... we decided na bumaba naman sa isa pang estasyon na nagngangalang, FARRER PARK....eh wala naman palang makikita maxadong makikita doon...pumunta kami sa isang market kung saan puro indian ang nandoon...may mga naggagandahang mga damit pang indian na very colorful at kumikinang sa mga chuvas na nakaembroidered dito...tapos may foodcourt sila na bukod sa mukhang mabaho at marumi eh marami ring mga kumakaing mababaho't marurumi...hehehehe.... i'm such a discrimiminating bitch!!! pero gusto ko nga sanang bumili ng mga dress pang indian doon pagkamalan kaya nila akong kabilang sa kanila? maglagay lang siguro ako ng makapal na eyeliner noh??
grabeh naman talaga ang nilakad namin ni mama... as in walang humpay talaga... eh dahil mahilig naman ako maglakad ay walang naging problema doon, si mama lang ang paminsang nagrereklamo na masakit na ang kanyang paa...
so since wala naman palang masyadong magagawa sa Farrer Park, ay nag-mrt kaming muli.... papunta na sa aming inuuwian, sa HOUGANG STATION.... buti na lang at sa station na un ay may Mall so nagliwaliw na muna kami ni mama doon... at finally, kumain sa parang foodcourt ng Minced Meat Noodles sa halagang 3dollars.... hmmm... mahal punieta...pero no choice dahil trip na rin naming umupo at magpahinga....ayos naman ang lasa...maanghang...medyo onte nga lang...tsk...
From there ay nilakad na namin papunta kina kuya...at dahil sa pagod ni mama, nagstop over pa siya sa may park na malapit na malapit na sa apartment nila at naupo for awhile...tsk..pag tumatanda nga naman oh...
shempre pagdating namin sa bahay ay nag aabang na si hershey para maalis lahat ng pagod namin...hihihihi... talagang kilalang kilala na nia kaming dalawa ni mama...si hershey ay isang masayahing baby talaga...maaaliw ka kasi panay lang ang tawa at ngiti nia....
kanina nga lang ay bitbit ko sia sa sala habang nanonood kami at napansin kong nakatulog na pala sia sa arms ko...soooooo cute.... di bale nang mangawit eh super cute at ang sarap ng feeling ng may maliit na taong natutulog sa may dibdib mo... cute!! hellooOOOOooooOOOooww hershey!!!
Yun lang naman as of now... balitaan nio me!!! miss you all so much.... mwah! mwah!!
WITH LOVE,
Marchella G. Calica
SENT ON AUGUST 30, 2008, SATURDAY:
HELOW-HA PIPOL!!!!!! LOng time no email ah!!!!!! i miss you all....don't worry hazel, joke lang yung doraemon komiks...matagal ko na siang nabili at nabasa ko na rin sia...inaasar lang kita...at medyo marami rami na rin kaming nabiling doraemon stuff sayo noh... para kaming ulol ni mama na bawat store ay tumitingin ng doraemon!!!! naging habit na sia kahit ayaw na namin ikaw bilhan at nagpipigil na kami!!!!!! tsk!!! thanx to you!!!!
marami na kaming mga napuntahan dito ni mama na kaming dalawa lang... at dalawang beses doon ay naligaw kami...hahahha!!!! nung minsan kasing pupunta kami sa catholic church na nakita ko thru the net, eh mukhang napakalapit lang nia dito.... walking distance lang kung gusto mo ng exercise.... basta ang palatandaan ko, nasa tabi ng PUNGGOL PARK.... nung sinabi namin kay kuya yon, sabi nia, sumakay na lang kami ng mrt at bumaba sa Punggol station... although labag sa kalooban ko dahil mukhang mali si kuya ay sinunod pa rin namin sia.... well well, true enough, NALIGAW KAMI..... mali pala na sa punggol station kami bumaba dahil napakalayo na ng Church of the Nativity of the Blessed Virgin Mary doon!!! tsk... nung nagtanong kami sa chinese guy doon sa station, tama pala na malapit lang sia sa HOUGANG, doon sa may amin..... so naghanap kami ng bus patungo doon at naligaw muli.... naglakad ng malayo...at nung mukhang dumidilim na ay naghintay na lang ng bus na pauwi na lang sa amin..so nasa waiting shed kami nang bigla namang umulan ng napakalakas!!! medyo nastranded pa kami for awhile at finally nakasakay na papuntang hougang..... nagmall na lang kami ni mama doon sa may amin at umuwi na ng hindi man lang naachieve ang goal namin for that day...natatawa na lang kami sa aming mga sarili ni mama... hirap talaga pag turista ka sa dayuhang bayan...
ang pangalawang beses naman ay yung pupunta kami sa may TAMPINES, kung saan according to Hahpi ay maraming malls doon. out of boredom ay sumugod kami ni mama doon...pero bago pa man makarating dun eh nagbus kami na sabi ni Hahpi, number 72 ang sasakyan namin dapat... edi fine.... pero mali pala ang binabaan namin...sa YIO CHIU KANG STATION pala kami nakababa, na according pa nga ke mama eh "BAKEKANG STATION" daw, dahil hindi mapronounce...eh kasi naman nagpanic kami dahil lahat ng tao biglang nagbabaan so akala namin yun na ang last station... tsk! we were wrong... nagtanong kaming muli at sinabing sumakay kami ulit ng bus doon na number 72 ulit, sinuggest niya na magtrain na lang kami dahil "The bus is very slow", according to him.. ang sabi naman namin "oh no, it's ok, we wan't to see the view. if we ride a train, we can't see the view"... oh ha! may ganun! pero actually baka kasi maslalo kaming maligaw kung magtrain kami... so nung nagbus kami, akala namin mali nanaman dahil pabalik na kami sa amin ulit!!! ayun pala umikot ikot lang ulit tapos saka na kami nakarating finally sa Tampines...
ordinary mall lang naman although maganda rin shempre. kumain kami sa foodcourt and all tapos naglibot galore. hanggang sa nakakita naman si mama ng bedsheet na sale...alam mo nman na kung gaanong kaaddict si hazel sa doraemon eh ganun din si mama kaadik sa bedsheet... what a weird woman mother is.... tsk!
Nung august 27 naman ay pumunta kami nila kuya at mama sa may WATERFRONT, kung saan naroon ang MerLion na bumubuga ng tubig sa tabi ng dagat.... nagmamantika na kami sa init dahil sa napakmaaraw, tapos ang dami pang lakad pero enjoy na enjoy naman ako samantalang si Mama eh ang daming reklamo at ang bilis mapagod... panay asar tuloy ni kuya, "Si GRANDMA naman!! Bigyan nga ng tungkod yan!"
hameeeyziiiing......
pagkatapos eh pumunta kami sa Suntec City kung saan may isang exhibition ng sangkatutak na gadgets na puro SALE. nag ikot ikot kami kasabay ng mga intsik at bumbay na kasabayan naming mamamakyaw ng mga gadgets. lalo na ang mga chinese, grabe kung bumili, ke rarami!!! Pero ang pakay talaga namin ay ang makabili lang ng laptop ni mama. kumain muna kami para makapagdecide si mama ng mabuti dahil it's between ACER and ASUS laptop.... pagtapos namin kumain ay kasama na rin namin si Hahpi. bumalik kami sa mga laptops... finally nakapagdecide na si mama. ASUS LAPTOP na $888...so 26,640peysos yan sa atin... 10 inches ang screen... color white napakaganda... yehey!
Kahapon nman, august 29, nakipagkita kami kina Tita Leila at Tito Rolly sa may ANG MO KIO STATION. nagliwaliw sa mall doon, kumain at nagchismisan silang tatlong matatanda. nakakatawa nga kasi may hinala akong may sumusunod sa aking Security nung pagdating namin don dahil panay ang video galore ko sa mall. nung pumasok ako sa isang store eh bago pa ko malapitan nung chinese saleslady at sabihan na bawal magbidyo, mabilis nakong naglakad palabas. so nung nagkaroon nga ko ng chance na maglibot libot mag isa, hetong si Manong Indianong nakacostume ng Security ay halos tatlong beses kong nakikita kung nasaan ako tapos nakaka eye-to-eye contact ko pa.. scary eyes...nako eh baka pag nilapitan niya ko, sabihan akong ipapadeport niya na ako...huhuhu...
so never na akong nagvideo sa loob ng mall ulit...hehehe...
paglabas namin ng mall at nagliwaliw naman sa may mga bangketa, lumamon naman kami nung nilalakong icecream nung isang Manang/ "Auntie" doon.. katumbas ito nung dirty icecream natin sa Pilipinas pero better itong nasa Singapore dahil Selecta talaga. $1 each. may choice ka kung trip mo bang ipalaman nila sa colorful na tasty bread o ipalaman ito sa wafer. kapag sa tasty bread, dalawa o tatlo ata yon na scoop ng choice mo na flavor. pag sa wafer, maghihiwa pa siya ng isang bloke na singlaki siguro ng kaha ng sigarilyo, masmalaki lang at masmakapal ng doble. napakasarap naman talaga!!! yyuuummmm....
Habang lumalamon kami ay may Manong/ "Uncle" na nakawheelchair na hightech, putol ang paa tapos nagseset up sa may gitna kung saan kita siya ng lahat ng tao. aba'y akalain mong nagset up siya ng kanyang Piano organ na mukhang hindi cheap tapos may kahon na nakakabit sa harap niya at bigla na lang tumugtog ng "Pearly Shells" habang may kopya siya nung Musical piece na tinitingnan niya once in awhile. Sabi ko tuloy eh napakasosyal naman ng pulubing ito at ang ganda ng wheelchair pati ng instrument niya. So naghulog ako ng mga barya sa kanya para matanaw ko siya up close and personal habang nagpapavideo ako kay Tito Rolly. Ngiti lang si Uncle Pearly nung hinulog ko na ang coins. Balita ko'y may License pa raw ang mga pulubi dito. kamusta naman kung totoo yon? so kung wala kang lisensya, basura ka na lang diyan sa tabi??
hammmeeeyyzziiing...
Si hershey naman, evryday pacute nang pacute... very happy baby siya talaga at hindi siya iyakin... pag minsang nagigising ako sa morning eh katabi ko na pala siya, tapos tititigan niya lang ako ng napakatagal at ngingiti bigla... hindi naman siya nag iingay habang natutulog ako, although minsan minamasahe niya ko ng mga maliliit na sipa niya sa likod ko... how cute!!! tapos lagi siyang nagbebeybi talk!!
haaaayyyy... wish you were here you people!!! i miss you all!!!! balitaan nio me!!!!
i love you all!!
WITH LOVE,
Marchella G. Calica
SENT ON AUGUST 31, 2008, SUNDAY:
kahapon, august 30, paggising ko katabi ko na pala si hershey, nakapacifier at taimtim na nakatitig sa akin. nung kausapin ko at lambingin, ngumiti lang siya. napaka-cute! ilang beses ko na siyang nahihuling ganun. paggising ko, katabi ko siya. at in fairness, tahimik lang siya.hindi umiiyak na iniwan lang siya ni Mama sa tabi ko. Haaaay hershey! napaka cute na baby!!
after that dumeretso ko sa room nila kuya para mag internet. nakachat ko pa si kuya habang siya nasa office niya. ang daya nga niya kasi dinala niya ang brand new laptop ni mother sa office niya. at hayun tinry niya kung ayos ba ang ebcam ng laptop ni mama. binitbit ko pa si hershey sa tapat ng laptop para makausap ng daddy niya. nakatitig lang siya sa speaker. nagtataka siguro kung bakit nandoon at nagsasalita ang tatay niya. napakacute!!
so mega oily nako't lahat at mukhang walang balak maligo for that day, trip ko lang magnet. pero sabi ni mama umalis daw kami at puntahan yung Church of the Nativity of the Blessed Virgin Maryna dati'y naligaw kami. so nilakad lang namin siya hano. aba'y malapit lang pala talaga siya dito sa house ano! kumbaga, exercise nga and all pero at least nakarating kami dun sa pamamagitan ng paglalakad! hindi na kami naligaw dun sa sinabi netong si kuya na nagkanda ligaw ligaw kami.Hahahahha! achieve! yung church na yon, kamukha nung san sebastian church sa Pinas. Chinese priest ang nagmisa. marami ding nag attend ah. at hindi lang Pinoy. Halo-halo. daming chinese, pati indian. Masaya naman kami ni Mama at finally nakapagsimba rin! achieve!
naglakad kami shempre pabalik sa amin. nagstop over pa kami sa Hougang Mall para bumili ng PRUNES. alam mo ba iyon? actually hindi ko alam kung anong prutas ba yon so tinanong ko si Mama. Sabi niya ba naman mukhang BETLOGS NG NEGRO daw yon....bwahahahahhahahah!!!! dahil nga kulubot daw!! eeeeewwness diba? so bakit nga ba kailangan ni Mama ng Betlogs ng Negro? Este.... Prunes??! Dahil nga hindi raw kasi siya madalas tumae ever since dumating kami dito. Tsk! Problema ko rin yan actually. Siguro apat na beses pa lang akong nakakajebs dito.kaya nga pinipigilan kong kumain ng marami dahil hindi naman ako matunawan. eh paano kaya ako papayat kung ganoon ang sitwasyon??! tsk! so PRUNES IS THE ANSWER!! Pumunta kaming supermarket at naghanap! Achieve! after nun, trip naming magkape ni mama. nung marinig nung isang Pinay sa harap namin na naghahanap kami ng maiinuman ng uber sarap at pamosong KOPI nila dito sa Singapore, tinuro niya kung saan. nakapagchika pa tuloy kami slight. Maid daw siya ng isang Chinese family dito. halos dito na raw siya tumanda. tinanong pa ni Mama kung marunong siya magchinese, hindi raw, hirap daw matutunan yun. nagtanungan pa kami kung saan banda kami nakatira. malapit lang pareho sa mall na iyon.
Nakapagtataka at nakatutuwang isipin na kahit saang lupalop ng daigdig basta't nalaman niyong Pinoy kayong pareho, kung magkwentuhan ay parang magkumare at kumpare na kayo. Perstaym niyo lang nman makilala at makita ang bawat isa pero kung umasta kayong dalawa eh parang magberks. yan siguro ang mamimiss ko kung sakaling tumira ako sa dayuhang bayan. yung FRIENDLINESS at HOSPITABILITY ng kapwa ko Pinoy. yun bang hindi hostile sa kapwa mo dahil Pinoy kayong pareho, as if magakadugo kayo. sa Pinas nga lang eh kung magkaroon kunyari ng banggaan tapos nasa loob ka ng FX o jeep, hala mag uusap usap na kayong mga Noypi regarding sa mga haka-haka niyo, mga reklamo sa trapik, etcetera. na para bang knows niyo ang each other.
Dito kasi, helpful din naman ang mga tao kung tanungin mo sila bigla ng direksiyon pero hindi yung tipong sasamahan ka til the end of time para lang matulungan kang maresolbahan ang hinanaing mo sa buhay.. Haaayyy! Truly Pinoy! Pagkatapos namin magkape ni Inang Mahal, gumora na kami pauwi.
Ngayong day naman na itez, August 31, nagliwaliw akong mag isa. Pumunta akong Hougang Mall at ibinalik ang nirent namin ni Mama na pocketbook na "THE BROKER" by John Grisham, sa halagang $15. Once na naibalik mo with receipt and without any punits or gusots, maibabalik sa iyo ang $10. Bongga diba? so ako ang nagbalik, so may $10 ako sa wallet ko. yey! pagkatapos ay bumili ako ng mga anik anik na matipuhan ko sa isang store na "VALU $" ang name. Pagkatapos ay pumunta akong foodcourt para magkapeng muli ng kanilang pamosong kape na mala-barako ang lasa. Basta kakaiba! tapang men, tah-pang...
So hindi pa ko nakuntento kaya nagliwaliw ako sa mga bangketa sa labas ng mall at nagwindow shop without the windows...nakabili ako ng $2 nailpolish for mother and $1 Tabo for the bathroom. Sosyal diba??
So wala pa ko sa mood umuwi kaya pumunta ako sa PUNGGOL PARK at nilibot ang buong parke. tibay talaga ng mga buto ko. baka maging vina morales na ang legs ko niyan. scary. super peaceful doon. maingay lang yung mga lintek na nagpapaandar ng de-remot-kontrol nilang mga maliliit na toyboats sa pond/ mini-lake. TSK! After all the drama of walking alone, pondering about the meaning of my life, i walked and walked and walked and walked hanggang sa makarating sa house.
Ang nakakatuwang nangyari this night ay pagdating ni kuya sa house from work, may pasalubong siya na FISHERPRICE na laruan kay Hershey. Drums na umiilaw at tumutunog. naoverwhelm siguro siya kaya forever lang siyang nakatitig. di niya pa knows how to use it. how cute!
Miss you all you people! balitaan nio me!
mwaaahh!
WITH LOVE,
Marchella G. Calica
2 comments:
wow te. one time big time post! haha
well, i think that sums it all up.. hehehe.. I'm hopeful to be doing that same thing very soon--soul searching in the carribeans, self discovery in egypt, personal retreat in europe (preferablly war memorials of France, Germany or Poland). Damn. So many places to see, so many faces to meet and good thing for you chell, you had just divirginized yourself to fresh new experiences that is Singapore. (bastoooos!)
Miss you peklat!
Post a Comment