Wednesday, September 5, 2007

SHIT REALLY HAPPENS....

BABALA!!!!

PARA SA MGA NAG-IINARTE AT MAHINA ANG PUSO SA MGA NAKAKADIRING BAGAY...HUWAG MONG BASAHIN ANG BLOG NA ITO...


Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay nakadama ako ng pagkalamig ng katawan... pagpapawis...pagkahilo...hindi maunawaang pagdaramdam sa aking loob... hindi ko mawari... ano bang nagyayari sa akin?? naranasan ko ito habang ako ay nasa loob ng Humanities Section ng UST Library...

tinext ko agad ang butihin kong kaibigan na si Fhadz... and ever loyal at maaasahan kong kaibigan...

"Samahan mo akong tumae!"

"Pls!"

"Mit kita last pav. now na."

"pakxet san kna?"

"gagu wer kna?"

"Ate lets go!"

"yoooohoooo"

"last pav, pekpek!"



Halata namang kalmado ako niyan diba? sa init ba naman ng panahon eh bawat segundong nagdaraan ay siya naman pagkulo ng nilintikan kong tiyan...

Ano bang kinain ko kaninang brekpas?? halos wala nga eh... katiting na Cornbeef... Katiting na kanin... at kape... ahhh! baka yung kape, hindi kaya? Pakshet kung gayon...

edi finally dumating na si Fhadz na always to the rescue sa aking mga pangangailangan.. such a good friend, that person..tsk..

Pumunta kaming TAN YAN KEE BUILDING dahil sa aking experience before, malinis, at wala gaanong tao sa mga CR nila lagi...

OH! But i was so wrong! sa hindi malamang dahilan ay marami palang tao...


FIRST STOP:
Nagelebeytor kami patungong 4th floor, kung saan, based from experience eh isolated ang CR dun... Ngunit!!! laking dismaya ko nang masilayang may nagseseminar/meeting doon sa isang room kaya naman maraming tao sa floor na yun..pati narin sa CR... may apat na hinayupak na babaeng mga nakaputi ang nagsasalamin sa loob ng ako'y sumilip... sabi ko ke Fhadz, "Ang daming tao! wag tayo dito!"

2ND STOP: Edi gora kami ngayon sa 3rd floor. Nagstairs na lang kami.. Baka sakaling wala nang tao. Good thing halos wala ngang tao sa floor na yon, ngunit nang buksan ko ang pinto ng CR for girls.... nakalock ito... anong kamalasan ito???!!!! nahuhurumentado na ang aking tiyan... at nanlalagkit na ang aking katawan.. malamig na ang pawis na tumatagaktak sa aking noo...Oh hinde!!!!!

3RD STOP: okei...kalma lang, ate.... pinagtatawanan nako ng palihim ni Fhadz, i know.. pero being a good friend that he was... hindi niya yon pinakita sa akin masyado... Dibale na... may 2nd floor pa naman... edi gora kami doon.... ansaya at nakita pa namin si Jason doon sa SOCC Office nila, naghello hello pa kami sa may window niya... ngunit nang makarating nako sa Girls CR...... surprisingly, NAKALOCK DIN ANG HINAYUPAK!!! ano bang ipinahihiwatig sa akin ng tadhana at bakit parang ayaw akong pataihin ng putragis na mga kubeta dito sa building nato????!!!! Natatawa na tlaga si Fhadz sa akin... at ako rin eh dinadaan ko na talaga sa tawa.... ngunit ang tiyan ko'y tila hindi tumatawa, siya'y nagrerebolusyon na...


4TH STOP:
we decided na baka wla na ang mga malalanding babae sa 4th floor this time ...kaya agad agad kaming gumora doon using agen the elebeytor.... But to my horror..... naroon paren ang mga putaenang mga makikiring babae... nagmemeykap, nagsusuklay, nakikipagchikahan, naglalandian.... not knowing na ang bagong pasok ng CR ay may lihim na tinatago... siya'y natatae na... ampotek!!!! so i pretended to suklay suklay.. nagpapaganda kunyari... hoping na baka any minute, any second ay lumayas na sila doon at payagan akong gawin ang business ko... ngunit mukha atang balak pa nilang maglatag ng kumot sa sahig at ilabas ang mga picnic baskets at magpalipad ng saranggola..... in other words, mukhang talagang matagal pa ang mga pekpek sa kanilang punyetang ginagawang pagpapaganda sa mga mukha nilang punyetera...lumabas akong muling dismayado...

Tanging nasambit ni Fhadz, "Sa TARC na lang tayo??? Sa tingin mo?"

eh ano pa nga ba.... yun naman ang favorite spot ko nung ako'y nasa 2nd at 3rd year ko noon... natigil lang nang minsang jumebs ako doon at bigla akong kinatok ng walang humpay ng dalawang babae, habang ako'y nasa proseso... na-phobia ata ako...

5TH STOP: Eh di nagspark nanaman ng new hope sa aking ulirat pagkat nadarama kong finally mailalabas ko na itong nagagalit ko nang dalahin sa aking kaloob-looban... ang saya... edi finally!!! nang pumunta na kami doon sa dulong CR ng TARC, wlang tao!! YEHEY!!! kaso walang tabo... edi sabi ko ke fhadz, "dali! kumuha ka ng tabo doon sa CR ng mga lalaki!!!" ...pagdating niya, wla daw... puke!! buti na lamang at meron akong wet ones na tissue..ok na siguro yon.... NANG BIGLANG..... may narinig akong mga boses ng babaeng dumarating!!! ANAKNANGTOKWA!!!! May mag-ccr pa ata gayong handa na sana ako!!! pucha... may dalawang babaeng biglang pumasok ng CR...yung isa madre pa.... buti na lamang at hindi pa ko nakkapagsimula ng ritwal ko....nagkunwari na lang akong nag-aayos ng buhok sa tapat ng salamin... pucha!!!iisa lang kasi ang cubicle na bukas doon... si Fhadz, nririnig kong tumatawa sa labas...sa sobrang dismaya ko eh lumabas ako at sabing, "pucha! wag nga tayo dito! hanap tayo ng iba!"............ tawa na kami ng tawa... tae talaga oh..

6TH STOP: Pumunta kami doon sa kabilang dulo ng groundfloor patungo sa isa pang CR... YEHEY!!! mukha nanamang isolated.... kaso nangamba pa ako kasi ke dumi-dumi ng CR na yon... para bagang hindi pinapasukan ng tao... yung floor marumi... mejo may pagkamapanghi...at natakot talaga ako na baka walang tubig!! kasi naman si fhadz sabi ba naman, "HAHAHAHAHHAHAHA!!!! WALANG TUBIG!!!!".... Luckily, when i opened the faucet, voila!!! may tubig!!!! ang lababo ng pala eh nightmare din sa dumi... may mga namumugad na maliliit na ipis sa ilalim ng mga sementong nagkalat dito...may butas pa ang ceiling, parang dudungaw bigla si Sadako na nakaputi...katakut!!! ang ichura ng CR nato, parang ilang beses nang ginwang spot for murder.... but that won't stop me from doing my job... so habang si Fhadz ay on the look-out sa labas, ako nama'y nilock ang pinto, piuno ang tabo... naghubad ng skirt... at.... TADAAAAHHHHH!!!!!


YEHEY!!!!!! SUCCESSFUL!!!!!! WLA NANG MAS SASARAP PA SA FEELING!!! WHOOOOO!!!!! PARANG ILANG LINGGO KONG KINIMKIM ANG NADARAMA, AT NGAYON LANG NAILABAS...

OH WHAT JOY IS THIS THAT I'M FEELING?? WHAT HAPPY THOUGHTS AND COLORFUL VISIONS THAT GREET ME UPON MY VICTORY??

HAAYYYYY....

At ngayon, i am simply reliving that moment... ang adventure ko kanina lamang sa Tan Yan Kee to TARC....


Pumunta akong 7-Eleven para bumili muli ng bagong stock ng TISSUE, ALCOHOL at WET ONES.... mahirap na... baka maulit muli....

Monday, September 3, 2007

Muni-muni...

ANG SAYA...

NAKA-PERFECT AKO SA FILM PRELIM EXAM NAMIN...
Proud ako dahil walang halong cheating yon ah... mahirap eh... literal na ako ang nakaupo sa pinakaharap...

Ang sarap pala ng feeling na alam mong pinaghirapan mo ang isang bagay tapos worth it ang lahat in the end...


NAKARMA ATA KAMI...

Sumabog ang Computer namin sa bahay.. wala pa mandin si kuya (na may-ari ng pc).. edi hindi tuloy namin malaman kung anong gagawin dahil nasa Singapore siya with his ASAWA... tsk... tsk... ASAWA........ tsk.... Hawak ng babaeng yon ang apelido namin kaya wag na wag siyang mag-attitude jan ah... tsk! see?? kaya kami nakakarma eh.. wla tuloy kaming magamit na PC sa bahay... eh ang mahal magnet sa labas... haaayyy...


MAY NAGPAPARAMDAM NANAMAN SA AKIN...

Ayoko na sana eh..pero biglang may sumusulpot ng wala man lang akong kalaban-laban... badtrip... kahit anong iwas, siya namang lapit nitong tadhana... ayoko na.. pakshit..


NABENGGA KAMI SA IMC REPORT NAMIN...

assumera kasi kami ng mga kagroup ko na hindi kami ang magrereport.. hala! nabengga tuloy kami..literal na hindi kami handa... natusta kami ng buhay sa tapat ng mga kaklase namin... kahiya-hiya talaga...oh well.. that's life.. may ups and downs...


INAAWAY AKO NG BOYLET KO AMPOTA...

kahit kaliit na bagay eh binebengga ako... eh shempre, umatikabo nanaman ang PRIDE ko at hindi ko naman nais na matapakan na lang ang pagkatao ko kaya war kung warla ito! Putragis ka ha!!! wala akong inuurungan na away!!! Bugbugan na lang ano ha!!!!


BUM AKO SA BLOGGING WORLD....

Dahil nga wala kaming PC sa bahay, at minsa'y hindi ko pa magawang magnet dito sa UST Library eh hindi ako nakakapagblog... ang dami ko na tuloy namimiss sa mga pangyayari.. maybe i should go back to writing on my journal? at least pag ganon, mas intimate...


.....nakakatamad lang talaga this past few days... i need a vacation from all these....